MRT 3: Balintawak Station

Hanggang saan aabot ang P500 mo?

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Text and photos By Djan Magbanua

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka, manlulumo ka naman dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin sa mga supermarket o palengke.

Bumisita tayo sa Balintawak, ang gateway patungo sa norte. Dito ang bagsakan ng iba’t ibang produkto mula sa mga lalawigan sa Central at Northern Luzon.

Sa isang naiibang edition ng Round Trip, nilibot namin ang Balintawak. At masasabi naming masaya at murang mamili rito.

1 Juliana Market

1106, 1176 Edsa Balintawak, Balintawak, Quezon City Maliit na bundok ng mga prutas ang karaniwang nandito. Kung anong "in" o napapanahon, nandiyan lahat. Mula sa buko na P10-P30 isa at pakwan mula P40P60 depende sa laki ang maari mong mabili rito. Pakwan P60 + papaya P40 = P100

2 CAC-1 Superstore

EDSA, Quezon City

Isang wholesaler, retailer ng mga appliance at gamit na plastic na palaging on sale. Sa halagang P20 hanggang P500 ay may mabibili ka na rito. Tabo = P20

3 Cloverleaf Balintawak Market (Gulay Central)

EDSA Corner Old Samson Road, Barangay Unang Sigaw, Quezon City Sa loob ng Cloverleaf Balintawak market magkakatabi ang mga tindahan ng gulay. . Pwede kang mamili ng mga fresh na gulay mula sa Baguio, Ilocos, Nueva Ecija, Pangasinan at Bulacan. Gaano kamura rito? Sasaya ka dahil sa baba ng presyo. Chopsuey (iba’t ibang gulay) = P90

4 JP Lingayen Bagoong

(Cloverleaf Balintawak Market) Iba’t ibang klaseng bagoong ang naririto, galing mula sa Malabon hanggang Pangasinan. As low as P12 may bagoong isda ka na. May iba’t ibang klase pa gaya ng boneless bagoong, bagoong alamang, asin, terong, maging patis ay meron dito Bagoong na isda = P12

5 Jennie's Pork Chicharon

(Cloverleaf Balintawak Market) Galing pang Bulacan ang chicharon dito na talagang putok-batok naman ang sarap. Wholesale at retail meron dito. Chicharon = P160

6 Dried fish ATBP.

(Cloverleaf Balintawak Market) Sandamakmak na mga dried fish ang meron dito. Naririto rin ang pambato ng Cebu na pusit at danggit. Lahat ata ng pinatuyong isda ay naririto na. Siyempre ang Pinoy favorite na tuyo ay narito rin mula P80 hanggang P130 per kilo. Tuyo + dilis = P100 Total money spent= P482 Other must try places:

7 Ayala Malls Cloverleaf

Bagong bukas lang ang mall na ito. At kung gustong mag-shopping na walang masyadong tao dito na pumunta.

8 Balintawak Bus Terminal

Although hindi katulad sa Cubao, ilang mga bus ang naghihintay rito para ihatid ka paNorte.

9 T-Shirt and Uniform Outlet

No. 409, A. Bonifacio Avenue, Balintawak, Quezon City Kailangan mong magpagawa ng uniporme o di kaya balak mong bumili? Dito sa T-Shirt and Uniform Outlet hindi yan problema.

10 St. Joseph the Worker Parish

Rejuvenate your faith sa St. Joseph the Worker Parish, na tanaw na tanaw mo sa malayo pa lang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.