Petisyon sa eleksyon hiniling ng mga NSA

Inquirer Libre - - SPORTS -

MATAPOS na walang maganap sa asembliya ay isang petisyon na nananawagan para maisagawa ang isang “extraordinary general assembly “ang ipinapaikot para miasakatuparan ang ipinaguutos ng Pasig Regional Trial Court na eleksyon sa Philippine Olympic Committee (POC) ang ibinabahagi ngayon sa mga opisyales ng mga national sports association.

Ang dalawang pahinang petisyon ay nakatuon na mapuwersa ang POC sa pamumuno ni Jose "Peping" Cojuangco Jr. na isagawa sa darating na Pebrero 23 ang botohan para sa puwesto mismo ni Cojuangco at ang bakanteng silya ng Chairman sa pribadong organisasyon.

Agad binuo ng mga NSA na nagnanais maisagawa ang eleksyon sa pribadong organisasyon ang petisyon matapos na hindi magkasundo sa ginanap na POC General Assembly Miyerkules at maobserbahan na walang balak ang asosasyon na magpatawag ng “re-vote” para sa dalawang kritikal na posisyon.

Asam ng petisyon na maisagawa sa hinihiling nito na extraordinary general assembly sa Pebrero 23 ang eleksyon na ipinapagawa mismo ng Pasig Regional Trial Court sa desisyon nito noong Disyembre 1, 2017. “We strongly urge the POC secretary-general to make necessary preparations for said elections, including issuance of proper notices to all members with the agenda of the subject of elections, printing of ballots and other physical and logistical arrangements attendant to the said electoral activity, especially taking into account the 10-day prior notice required by Article VI, Section 4 of the POC by-laws,” ayon sa petisyon.

“We hereby call for an extraordinary general assembly meeting on February 23, 2018 for the election of President and Chairman in accordance with the Pasig RTC Decision and pursuant to Article VI, Section 4 of the POC by-laws.”-

Philippine Olympic Committee President Peping Cojuangco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.