Attaracted sa ex-BF

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - PHER MENDOZA

Hello Besh.

I am Milly, 20 years old and second year college.

Yung ex-boyfriend ko po ay classmate ko ngayon. Mag-ex po for more than a year na. Noong una ay binigyan ko siya ng isa pang chance. Kaso po nawala na po talaga yung feelings ko para sa kanya. Kaya di na kami nagkabalikan pa.

Ngayong classmate ko na siya, parang bumabalik yung feelings ko sa kanya. Nagtapat ako ng personal sa kanya na love ko pa rin siya. Kaya lang po may girlfriend na siya.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Hello Milly! Sabi mo ay nawala ang feelingsmosa ex-BF, bakit kaya? Tapos ngayon namang may GF na siya ay bumalik na kamo muli ang iyong feelings sa kanya. Hindi kaya natsa-challenge ka lang dahil meron ng competition between you and his new love? Or hindi naman kaya'y dahil may "scarcity" — dahil wala kang ibang mapagtuunan ng feelings kaya na-aattract ka ulit sa ex mo? Suriin mong mabuti ang feelings mo. Maybe ask — kung may iba bang lalaki na pwede ay hindi ka ba maaattract dito at tanging ex mo lang ang gusto mo? Maybe what you can do is try to date other guys. Who knows 'di ba? Ngayon kasi ay may GF na siya, baka dapat ay mag-move on ka na rin? Kung gusto ka talaga ng ex mo, hindi ba dapat ay sinuyo at pinagtiyagaan ka niya kahit na ikaw pa ang nakipag-break? There are better guys out there. Keep an open mind.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.