ROUNDTRIP: V. MAPA STATION

Hanggang saan uubra ang P500 mo?

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Text and photos Ni Djan Magbanua

Two days na lang at Valentine’s Day na, pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring malinaw na plano at budget para sa inyo ng ka-VDay mo.

Don't worry because we prepared a list of places where to treat your VDay partner in a practical way. Ang these must try places are located near LRT's V. Mapa station.

1 The Fab Cafe Unit #8, Newton Plaza, Old Sta. Mesa Street

You won't go wrong sa The Fab Cafe kahit budget date lang. Drinks and meals na less than P100, eh, solved na rito. May mga board games na you can play with your special someone.

Sip and Fries = P59

2 Rose Garden Old Sta. Mesa Street, Sta. Mesa, Manila

From short time na 3 hours, 5 hours to 9 hours sa halagang P270, hindi na masama. At dahil nga VDay, abangan ang kanilang "surprise" give aways sa bawat silid.

3 Fabulous Fifties Cafe Valenzuela Street, Sta. Mesa, Manila

You want to turn back time? At gusto mo noong panahon ng 50s? Then this is the place for you. It is more of a diner than a cafe, pero good choice ito for a barkada date lalo pa't merong silang P290 bucket deals o Cocktail towers.

4 Ramens Teresa Street, Sta. Mesa, Manila

Painitin muna ang tiyan bago ang ibang parte ng katawan sa Ramens, isang Japanese inspired restaurant sa iskinita ng Teresa. Pwedengpwede ang Tantamen o di kaya Katsudon para busog at may energy kayo for later.

Tantamen =P110

5 Budget Hotel Old Sta. Mesa Street, Sta. Mesa, Manila

Night out ng pamilya o simpleng si honey lang ang kasama, pwedeng-pwede rito. Ang kanilang Family Room na good for 4 ay may kasama ng breakfast at meron silang Mega Room with Jacuzzi para sa inyo naman ni honey. Pag ginutom, pwedeng umorder gaya ng Tapsilog.

Tapsilog = P127

6 Queens Lodge Old Sta. Mesa Street, Sta. Mesa, Manila

Kung medyo matagal na stay ang gusto mo, pwede rito. May 12-hour stay dito na swak na swak pa rin naman sa budget.

7 Tekies Frappes and Burgers 4080 Baldovino St, Santa Mesa, Manila

Burger and Frappe combo rito at Tekies na just below V.Mapa LRT station. May mini sitting rooms sila kung saan pwede kayong mag-stay ni sweetheart for a quick bite and drink.

Frappes + Burger = P125 Iba pang pwedeng puntahan:

8 Benjie's Music Store 4107 Ramon Magsaysay Boulevard, Sta. Mesa, Manila City

Win her heart with music. Pwede mo siyang dalhin dito at idisplay ang talent sa kanya with musical instrument. Pwede rin dito bumili ng gift for her.

9 Owlish Grill Newton Plaza, Old Sta. Mesa Street, Manila

Tapsi, hotsi, cornsi, at kung ano ano pang silog at grilled food narito yan. They grill 24/7.

10 Mister Bulalo Newton Plaza, Old Sta. Mesa Street, Manila.

Malamig pa ang mga gabi, painitin ito sa paghigop ng mainit na sabaw kasama ang iyong sinta.

11 Ligaya Hotel Old Sta Mesa Street, Manila

Walang time magpareserve? Sa Ligaya Hotel pwedeng-pwede ang walk-in lang. Mula 3, 6, at 12 hours ang kanilang offer.

Total money spent: P421

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.