KAPALARAN

Inquirer Libre - - ENTERTAINMENT - BY BRO GILDA

CAPRICORN

Wala kasi siyang pang-date sa Valentine's Day kaya cool-off daw muna kayo. Gusto mo mag-ipon pero ang siba mo. So, sino gusto mo mag-adjust, 'yung kutsara o tinidor? SL ka na naman— sinungaling leave.

AQUARIUS

Yung nalaman mong may bago ng mahal ang love mo...wow, magic! Mag-pay muna ng utang bago magpabida sa FB at IG.

Aga pumasok, late umuwi. Daig mo pa si manong guard na naka-duty.

PISCES

Wala nang sasaya sa taong naka-move on na. Congrats, bes. Laban lang... para sa maraming bayarin.

Congrats, bes, wala ka pang late ngayong taon.

ARIES

Sa iyo nakaharap pero iba ang hinahanap. Tatamarin pero papasok alang-alang sa mga bills. Reminder lang, Ash Wednesday din sa Feb. 14.

TAURUS

Malay mo 'yung taong nakalaan sa iyo kinder pa lang. Ang tunay na lodi may poni. Valentine's Day na, alak na naman kasama mo.

GEMINI

Tinulugan ka niya kagabi? Don't worry, ganyan talaga pag di importante. Buti pa kay manong tricycle driver, P25 lang special ka na. Nasa point ka ng buhay mo na kapag may dumating na aliens, sasama ka na sa kanila.

CANCER

Wag kang maghabol sa taong ayaw sa iyo. Ipinanganak kang tao, di aso. Aanhin mo ang loyalty kung wala namang money? Nakapang-winter ka pumasok tapos biglang sisikat nang matindi ang araw. Saklap, bes.

LEO

Tara, bes, shot na lang tayo sa February 14. Aanhin mo ang puso kung mas matimbang ang peso? Jumoin ka sa outing para lang magtrabaho? Sadnu?

VIRGO

Gaano pa karaming Yakult ang iinumin mo para masabing OK ka na diyan? Coming soon...'Payday the 13th' (Pagsweldo Mo, Ubos Agad). Nung makita mo ang gabundok na work load, nag-decide kang mamundok na lang din.

LIBRA

Balita ko ayaw mo na sa magaganda. Bakit gusto ka ba namin?

Baka kaya lagi kang iniiwan ng sweldo mo, lagi kang busy sa trabaho? Araw-araw traffic, arawaraw ka ring late. So, sino maga-adjust?

SCORPIO

Life is short kaya landi lang hanggang kaya mo pa.

Nag-overtime nang marami...nag-party...lagas ang money. Internet n'yo sa office parang love life mo, on and off.

SAGITTARIUS

Uminom, sumuka, pero di nagdrama.

Malapit na ang sahod, nacompute mo na ba ang matitira sa iyo? Luh, pinagsabay mo sila? Ano ka working student?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.