BARNACHEA SUSUNGKITIN IKATLONG RONDA TITLE

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

TATANGKAIN ni Santy Barnachea na masungkit ang makasaysayang ikatlong titulo sa pagbitbit sa baguhang Team Franzia sa pagsikad ng Ronda Pilipinas 2018 sa Marso 3-18.

Ang 41-anyos na si Barnachea ay kinailangan na magkuwalipika sa una sa dalawang isinagawa na Ronda qualifying race sa Tarlac City noong nakaraang taon upang makumpleto ang kanyang pagbabalik matapos ang dalawang taon na hindi pagsali kung saan hindi nito itinago ang plano na mauwi ang ikatlong korona matapos magwagi sa pinakauna na edisyon noong 2011 at ulitin ito noong 2015.

“Gusto ko maipakita sa kanila na hindi pa tapos ang misyon ko at patutunayan ko na tulad sa sponsor namin na Franzia wine habang tumatagal lalong sumasarap,” sabi ni Barnachea.

Makakasama ni Barnachea sa Team Franzia sina Leonel Di- maano, Jonggo Tabayoyong, Beejay Nojara, Dennis Gabaldon, Alshyrnel Amiladjid, Mervin Corpuz at ang Asian Cycling Championship bronze medalist na si Kim Kenneth Krog, sa una nitong pagsabak sa ikawalong edisyon ng pinakamalaking cycling race sa bansa na magsisimula sa Vigan City at magtatapos sa Filinvest, Alabang.

Aminado naman si Barnachea na matinding hamon ang kinakaharap niya sa karera partikular kay two-time champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance.”

Santy Barnachea (Larawan mula sa Ronda Pilipinas Facebook page)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.