BOWLING QUEEN, BAGONG HARI NG BILYAR, 'NEXT PACQUIAO' BIBIDA SA PSA AWARDS NIGHT

Inquirer Libre - - SPORTS - Krizziah Lyn Tabora- Inquirer Ni Dennis Christian O. Hilanga @inquirer_libre

Itinuturing na bayani ang mga Pilipinong atleta dahil dugo, pawis, pagtitiis at puspusang ensayo ang kanilang ipinupuhunan para mabigyang karangalan ang Pilipinas sa larangan ng sports.

Bukas ng gabi igagawad ng Philippine Sportswriters Association— ang pinakamatandang media organization sa bansa — ang PSATapa King Athlete of the Year sa mga atletang naghatid tagumpay para sa bayan sa nakalipas na taon.

Idadaos ang 2018 SMC-PSA Annual Awards sa Maynila Hall ng Manila Hotel. Jerwin Ancajas Larawan mula Top Rank Boxing Twitter account(@trboxing) Carlo Biado-Inquirer photo

KRIZZIAH LYN TABORA Bowling Queen

Matapos ang 14-year title drought, may bagong kampeon ang Pilipinas sa Bowling. Binasag ni Tabora ang matagal na taong pananahimik ng bansa sa world stage nang pagwagian ang 53rd Qubica AMF World Cup sa Hermosillo, Mexico noong Nobyembre 11, 2017.

Hindi nagpasindak ang 26anyos Pinay bowler sa Malaysian na si Siti Safiyah sa finals match para magwagi sa iskor na 236-191. Si Tabora ang naging ikalimang Pilipino na nag-uwi ng BWC title kasunod nina Paeng Nepomuceno, Lita dela Rosa, Bong Coo at Christian Suarez.

JERWIN ANCAJAS 'The Next Manny Pacquiao'

May sapat na dahilan kung bakit sinasabing si Ancajas ang magmamana ng trono ng Pambansang Kamao. Apat na sunod na beses idinepensa ng 26-year old Panabo, Davao del Norte pride ang IBF junior bantamweight title.

Unang binugbog ni 'Pretty Boy' si Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico Enero 2017 sa Macau via 8th round technical knockout. Sinundan ito ng pagpapataob kay Japanese Teiru Kinoshita sa 7th round sa undercard match ng Pacquiao-Horn bout sa Australia noong Hulyo. Nobyembre ng parehong taon ginulpi niya si Irishman Jamie Conlan para itigil ang laban sa round 6 bago pinabagsak si Israel Gonzales ng Mexico nitong Pebrero 4 sa Texas, USA. Umangat sa 29 (20 KOs)-1-1 ang record ni Ancajas.

CARLO BIADO Bagong Hari ng Bilyar

Muling ipinakilala ni Biado na matinik ang Pilipinas sa billiards. Hulyo 30, 2017 nang umukit ng kasaysayan ang 34anyos na cue artist sa 9-ball event ng World Games sa Wroclaw, Poland nang makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa nasabing torneo. Tinalo niya sa finals si Jayson Shaw ng Great Britain, 11-7.

Iniuwi rin ni Biado ang korona sa men’s 9-ball event ng 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto at 2017 World Pool (9-ball) Championship Disyembre 14 sa Doha Qatar nang lampasuhin ang kababayang si Roland Garcia, 13-5, sa finals.

photo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.