KAMANDAG NI ‘AHAS’

I’m happy because I had a sensational knockout

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Dennis Christian O. Hilanga @inquirer_libre

Tulad ng makamandag na ahas, tahimik ngunit delikado si Donnie Nietes. Longest reigning Filipino world champion, "Mexecutioner" at three-division world champion.

Ilan iyan sa mga tagumpay na nakamit na ng 35-year old Murcia, Negros Occidental pride.

Nitong isang linggo inihasik muli ni "Ahas" ang kamandag nang pabagsakin si Argentine Juan Carlos Reveco sa kanilang IBF flyweight title match sa The Forum, Inglewood, California, USA.

Napanatili ni Nietes ang nasabing titulo matapos itigil ang laban sa 53-second mark ng 7th round.

Ito ang unang title defense ni Nietes matapos kunin ang IBF flyweight belt laban kay Komgrich Nantapech ng Thailand Abril noong isang taon kung saan gumawa siya ng kasaysayan bilang ikatlong boksingero kasunod nina Manny Pacquiao at Nonito Donaire Jr. na nagkampeon sa tatlong weight classes (minimumweight, light flyweight at flyweight).

Sa kasalukuyan, hawak ni Nietes ang 33-fight winning streak para sa record na 41-1-4, 23 KOs. Hindi pa siya natatalo magmula Nobyembre 2004 at nagtala lamang ng tatlong draws.

Mahigit 10 taon na rin siyang undefeated bilang world champion magmula masungkit ang WBO minimumweight crown laban kay Pornsawan Porpramook ng Thailand Setyembre 2007.

Si Nietes rin ang tunay na "Mex- ecutioner" dahil sa 16 na sagupaan kontra Mexican fighters ay hindi pa siya natitinag. Siya rin ang No.1 sa flyweight rankings ng The Ring Magazine ngayon.

Utility man to boxing champ

Mula sa pagiging utusan sa ALA Gym, nahikayat si Nietes ng mga trainers na pasukin ang mundo ng boxing. Edad 20 nang siya ay sumabak sa unang professional bout. Ipinamalas agad ni Nietes ang bangis matapos itala ang 11 panalo at isang draw sa unang 12 laban — walo rito sa tulong ng knockout.

Naging malas naman ang numero 13 para kay Nietes dahil sa kanyang sumunod na laban ay nalasap niya ang unang pagkatalo. Nalusutan siya ng Indones na si Angky Angkota via split decision sa non-title bout Setyembre 2004.

Ngunit kasunod nito, nag-iba ang ihip and the rest is history.

Marami pang tutuklawin

Sa kabila ng kinang, nakaapak pa rin sa lupa ang mga paa ni Nieteskatangiang mas nagdala pa sa kanya sa landas ng tagumpay.

Dahil hindi umaatras sa anumang hamon, handa si Nietes na harapin ang mga mabibigat na pangalan sa 112 o 115 pounds.

"He just want to fight the big name out there and whichever champions who gonna come forward, he wants to take the fight, "pagsasalin ni ALA Promotions CEO Michael Aldeguer sa Ingles sa panayam ng media kay Nietes matapos ang laban kay Reveco.

"Whatever's out there. If there's a big fight at 112 he'll stay at 112, if there's a unification bout he'll stay at 112. But if the big names are at super flyweight he can move up to 115."

Nais ni Nietes na makaharap si WBC superflyweight title holder Sor Rungvisai ng Thailand o ang Puerto Rican challenger na si Juan Francisco Estrada. Handa rin siyang tanggapin ang hamon ng four-division champion na si Roman Gonzales ng Nicaragua.

Hindi pa tapos si Nietes na ipakita sa buong mundo ang galing ng Pinoy ngunit siguradong sementado na ang kanyang pangalan sa hanay ng mga tinitingalang boksingero ng bansa.

Larawan mula sa HBOboxing Twitter account @HBOboxing

ALA Boxing photo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.