KAPALARAN

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - BY BRO GILDA

Hindi porket sinabing mahal ka, mahal ka talaga. Malay mo, trip lang niya.

NBSB: No budget, sanay nang broke.

Alam mo ba ang masakit? Yung mag-smile ka nang dry ang lips mo.

Ang salitang "kuya" ay ginagamit na paggalang, di panglandian.

Mauubusan ng sweldo, pero di bibigay sa trabaho.

Buti pa ang mga chaka, may love life. Tayong mga dyosa, nganga.

Makahugot wagas. May jowa ka ba? May jowa ka ba?

Okay lang masimot agad ang sweldo basta bayad lahat ng bills mo.

Yung height mo di nakisama sa age no. Jusko.

Kung ayaw mo nang maloko ka, unahan mo na agad, lokohin mo na siya.

Wala pang akinse-katapusan, ubos na ang sahod. Utang is life, teh?

Oo may pimples ka, pero di ka panget.

Kung binalikan ka, mahal ka; kung pumayag ka, gaga ka.

Get ka nang get ng gadget, e wala ka namang budget.

Ang tunay na dyosa, di rebonded ang buhok.

Nakakapanibago ugali niya. May bago na siguro siya.

Bayad utang muna sa akin bago mag-post sa Facebook at magpahangin.

Always late pero on-time ga-graduate.

E ano naman kung mas maganda ka sa gilfriend niya. Wala siyang pake sa ‘yo,

Di baleng walang love/sex life basta maraming salapi.

Uwing-uwi ka na, pero cleaners ka pala. Saklap nu?

Abang ka nang abang, e matabang na nga siya sa iyo.

Bibig mo walang pagod, wallet mo pagod na pagod na.

Pagpasok mo mukha kang prinsesa; pag-uwi, bruha.

Super updated sa status ni crush. Kumusta ang status mo?

Sahod: coming soon; bills, now showing

Kung sino pa ang hipon, siya pa ang malakas sumelfie.

Kunwari kayo, kunwari ang saya-saya nyo. Ano ‘yan kunwa-relationship?

Puro relationship goals, wala ka namang pera goals.

CR ang paalam, canteen ang pupuntahan.

Online siya. Online ka. Pero online mahal niya. Asa ka pa.

Pogi ang dating kahit walang datung.

Ready ka na ba sa NBSB? No baon since bakasyon!

Kahit maghintay ka pa ng 11:11 hindi pa rin siya mai-in love sa iyo.

Special talent mo: Kayang magpanggap na may pera kahit isang linggo nang ubos ang sweldo.

Galit na galit ka sa magaganda. Inaano ka ba namin, ha?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.