NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

Wala nang balak si Speaker Gloria Macapagal Arroyo na tumakbo pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.

Ayon kay Arroyo, magsusulat na lamang siya ng diary at umaasa na ang magagawa niya sa pederalismo ay itutuloy ng papalit sa kanya. "I have no plans to run for anything. I plan to work on my memoirs, to resume writing my memoirs. Other than that, I haven't given much thought about what to do to occupy my time," ani Arroyo.

Nais umano niyang tulungan si Pangulong Duterte na makapag- iwan ng magandang legacy sa bansa.

Libo-libong pasahero ang apektado matapos isara ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagsadsad sa runway ng isang Chinese airline Huwebes ng gabi.

Isinara ang runway 06/24, na ginagamit ng maraming international flights matapos mabalahaw ang Boeing B737 Xiamen Air flight MF8667. Idinagdag ng NAIA na nag-landing ang eroplano sa runway 24 ng airport alas-11:55 ng gabi Huwebes at nakaranas ng “runway excursion”.

Nagpalabas ang Makati City Regional Trial Court ng hold departure order laban sa negosyanteng si Peter Lim. “Finding the grounds relied upon by the prosecution to be impressed with merit, the Urgent Ex-Parte Motion for the Issuance of Hold Departure Order (HDO) against Peter Go Lim is hereby granted,” sabi ni Makati RTC Branch 65 acting Presiding Judge Gina M. Bibat-Palamos sa kanyang kautusan na inilabas noong Biyernes. Kinasuhan si Lim, kasama ang self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco, at Ruel Malindagan, kaugnay ng conspiracy to commit illegal drug trading sa ilalim Republic Act No. 9165, na kung saan wala itong piyansa. Samantala, sumama na rin ang National Bureau of Investigation sa pagtugis laban sa wanted na si Lim. Idinagdag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na inatasan na ni NBI deputy director for regional operations Antonio Pagatpat ang lahat ng regional directors at district directors ng NBI na tugisin si Lim. Naniniwala rin si Lavin na nasa loob pa ng bansa si Lim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.