KAPALARAN

Inquirer Libre - - ENTERTAINMENT - BY BRO GILDA

CAPRICORN

Bilis ng oras. Bukas magugulat ka, break na kayo.

Apat na buwan na lang Pasko na pero wala ka pa ring ipon.

Wag kang lulusong sa baha. Lulutang ka, plastik ka e.

AQUARIUS

Wag mo siyang sigawan, madali siyang masaktan.

May hodsa na. Tatagal kaya?

Ball is life daw, e lagi ka namang bangko.

PISCES

Wala e, di ka raw worth it.

Bet mo, may promotion pero same sweldo?

Pangiti-ngiti lang pero ilang araw nang puyat.

ARIES

Back read lang pero bawal umiyak.

May ipon ka na sana kung umuulan lang ng pera.

Espirito ng passing grade, sumanib ka sa card niya.

TAURUS

Konti na lang magsasawa na siya. Konti na lang po.

Five minutes lang tumagal ang sahod mo.

Buti pa si Dora, di strict ang parents.

GEMINI

Nilandi tapos iniwan. Ikaw na ikaw yan, bes.

Sweldo na, bes. Kumusta na utang mo?

Five months na lang 2019 na, pero wala ka pa ring kwenta.

CANCER

Di porke sweet siya, gusto ka na niya. Wag tanga.

Mag-ipon nang tama bago mag-iri ng bata.

Ma-pimples ka lang pero pretty ka.

LEO

Pangit siya pero he can make you happy, gaga.

Dami mong pera pero bakit nanay mo kung kani-kanino umuutang?

Tip para di tumandang dalaga: Lumandi. Now na.

VIRGO

Masarap ang feeling na paggising niya ay mahal ka pa rin niya.

Sana umabot sa sahod laman ng wallet mo.

Di mo alam, ikaw ang topic sa group chat.

LIBRA

Admit it, lahat tayo masama in someone else's story.

Torn between "excited sa weekend" and "wala na akong salapi."

Sana lahat ng dumadating may dalang pagkain.

SCORPIO

Happy pill mo, nirereseta rin sa iba.

Remember ang kasal ay di pabonggahan kundi patibayan at patagalan.

Sabi pag masaya, gumaganda. So, sobrang lungkot mo pala.

SAGITTARIUS

Doon ka na lang sa kanya, wala kang ka-share.

Daming sale. Lagas na naman sahod mo.

Yung alam mo yung sagot pero "Speak in English."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.