P2K MULTA SA ILLEGAL PARKING IKINAKASA

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

DAHIL marami pa ring motorista ang pasaway at kung saan-saan nagpapark dahilan kung bakit lumalala ang trapiko, napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na itaas ang multa sa mga illegal parking violators.

Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, na siyang pinuno ng MMC special committee on traffic, napagpasyahan sa isinagawang executive session nitong Biyernes, maaaring gawing P2,000 na ang multa mula sa kasalukuyang P500 ang "unattended vehicles" (o yung walang driver) na ilegal na naka-park habang P1,000 naman mula sa P200 multa ang ipapataw sa mga attended vehicles (o yung may driver) na ilegal na nakaparada.

Nilinaw naman ni Bautista na ang nasabing proposal ay isasangguni muna sa "public consultation" bago tuluyang ipatupad.Ang MMC ay binubuo ng 17 alkalde sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.