HEROES' LANDMARKS NA DI DAPAT DEDMAHIN

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Text: Djan Magbanua, Louise Ariola

Ngayong National Heroes' Day, hayaan ninyong dalhin namin kayo sa mga lugar na nagpapakilala ng kadakilaan ng ilang mga bayani ng bansa.

Marahil napuntahan na ninyo ang ilan sa kanila, pero bakit hindi natin muli itong bisitahin para bigyang-pugay ang kanilang pangalan na lumaban para sa bayan.

1 Rizal Monument Rizal Park (Luneta), Manila

Dedicated para sa Pambansang Bayani na si Jose Rizal.

Walang Pinoy na hindi nakaaalam kung nasan ang kanyang national shrine, bagamat marami pang mga rebulto na itinayo para sa kanyang karangalan. Ang most photographed monument ng bansa ay guwardyado ng mga Philippine Marine Corps’ Marine Security and Escort Group.

2 Bonifacio Monument Grace Park, Caloocan City

Para naman ito sa pagaalaala kay Andres Bonifacio, the founder and supremo ng Katipunan.

Ang monumentong ito ay isa sa sinasabing pinakamagandang gawa ni Guillermo Tolentino na siya ring iskulptor ng Oblacion ng University of the Philippines.

3 Lalu-Lapu Monument Luneta Park, Manila

Bukod kay Rizal, bida rin sa Luneta ang monumento ng bayaning si Lapu-Lapu na nakatalo kay Magellan noong 1521. Tinatawag itong "The Statue of the Sentinel of Freedom" na nasa sentro ng Agrifina Circle. Ginawa ang monumentong ito bilang pagkilala sa kaunaunahang Asyano na lumaban sa foreign invasion.

Ang imahe ni Lapu-Lapu ang sentral na pigura sa seal ng Philippine National Police at ng Bureau of Fire Protection.

4 Pinaglabanan Shrine and the Spirit of Pinaglabanan N. Domingo corner Pinaglabanan Streets, San Juan City

Ito naman ay dedicated para sa mga matatapang na Kaptipunero na lumaban at namatay sa pakikidigma sa mga Kastila.

Ang Pinaglabanan Shrine ay nagpupugay sa Battle of San Juan del Monte, ang unang subok ng mga Katipuneros, sa pamumuno ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, na labanan ang mga Espanyol noong Agosto 1896.

Ayon sa kasaysayan, bolo at mga sariling gawang baril ang kanilang armas.

5 Ninoy Aquino Monument Ayala Triangle, Makati City

Ang monumento ng modern hero ng bansa na si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ay gawa ni Peter de Guzman. Ang sculpture na ito ay ipinakikita ang huling sandali ni Ninoy bago siya paslangin sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport na ngayon). Ang pagkamatay niya ang naging mitsa para labanan ang diktadurya ni noo'y Pangulong Ferdinand Marcos.

6 Fort Santiago Intramuros, Manila

Ang Intramuros, na tinaguriang walled city, ay isa sa mga preserved na landmark sa kalakhang Maynila. Sa loob ng stone fortress na ito nakulong si Rizal. Narito rin ang Rizal shrine na nagpapaalala sa mga huling sandali ni Rizal.

7 Mabini Shrine Sta. Mesa, Manila

Sa loob ng campus ng Polytechnic University of The Philippines matatagpuan ang bahay ni Apolinario Mabini na kinilalang utak ng rebolusyon. Sa loob nito ay matatagpuan ang Museo ni Mabini kung saan makikita ang ilang nyang mga kagamitan at memorabilia.

8 People Power Monument Corner EDSA and White Plains Avenue, Brgy Camp Aguinaldo, Quezon City

Isang shrine naman para sa mga Pilipinong sumali sa People Power Revolution noong 1986 na siyang nagpatalsik kay Marcos. Itinayo along EDSA kalapit ng Camp Aguinaldo. Pinakikita sa iskulturang ito ang pagsasanib-pwersa ng mga Pilipino mula sa iba't ibang antas ng lipunan para labanan ang diktadurya.

9 Bantayog ng mga Bayani Quezon Avenue, Diliman, Quezon City

Kung ang People Power Monument ay para sa lahat na sumali at nakiisa sa People Power, ang Bantayog ng mga Bayani naman ay para sa mga taong kinilala bilang mga bayani dahil sa pagbuwis ng kanilang buhay para labanan ang Martial Law.

Nakaukit dito ang kanilang mga pangalan at kinilala na bilang Wall of Remembrance. Umabot na sa kulang kulang 298 na pangalan ang nakaukit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.