8 TIPID TIPS NGAYONG MAHAL ANG BILIHIN

Inquirer Libre - - NEWS - - Bella Cariaso

PUMALO na sa 6.4 ang inflation rate at talagang damangdama na ng taumbayan ang sobrang mahal na presyon ng mga bilihin. Kaya nga lahat ng klase ng pagtitipid ay gagawin para lang makaagapay sa hirap ng buhay.

Narito ang ilang tipidnarito ang ilang tips para makatipid tayo sa araw-araw na gastos.

1. Kung malapit lang din ang pupuntahan, maglakad na lang. Tipid na sa pasahe, may ehersisyo ka pa.

2. Iwasan ang pagkain sa fastfood. Magbaon na lang ng lunch at meryenda.

3. Mag MRT o LRT na lang (kahit pahirapan ang pagsakay rito) papasok ng opisina kaysa mag-taxi o mag-Grab.

4. Goodbye muna coffee shops. Magtimpla na lamang ng sariling kape, instant man yan o 3-in-1. Yung isang cup sa Starbucks, ilang sachet na ng 3-in-1 coffee ang katumbas!

5. Kung may budget pa, bumili ng maramihan imbes na patingi-tingi sa tindahan ng mga palaging ginagamit gaya ng shampoo, sabon, toyo, suka, mantika, catsup, patis, at iba pa.

6. Tiyaking busog ka bago mag-grocery para hindi na kailangang magsnack sa fastfood. Dapat may listahan at sundin ito.

7. Para naman makatipid ang mga anak, lutuan sila ng baon kaysa bumili sa school. Tiyak na ligtas at masustansiya pa ang kakainin nila.

8. Grow your own food. Hindi kailangan may malawak kang lupa para makapagtanim. Have you ever heard urban gardening? Magtanim ng mga gulay. Sa ilang buwan, tiyak may aanihin ka at iluluto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.