DAGDAG PREMIUM SA SSS

para sa extra maternity leave?

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE - - Leifbilly Begas

MAAARING kailanganin umanong magdagdag ng kontribusyon ang mga miyembro ng Social Security System para mabayaran ang dagdag na paid maternity leave na ipinapanukala sa Kongreso.

Ayon kay Louie Sebastian, assistant vice president for media affairs, lalaki ang kakailanganing halaga ng SSS para mabayaran ang 100-day maternity leave na panukala sa Kamara o ang 120 araw na panukala sa Senado.

Sa kasalukuyan ay 60 araw lamang ang paid maternity leave para sa normal deliv- ery at 78 araw sa caesarian operation.

Mula sa kasalukuyang 11 porsyento ng suweldo ay posibleng itaas umano ito sa 11.3 porsyento.

Kung hindi ay mapipilitan umano ang SSS na gamitin ang pondo nito para sa investment na magpapaikli sa buhay ng kompanya.

Mula Enero hanggang Hunyo, umabot sa 157,000 miyembro ng SSS ang nakatanggap ng maternity benefits na nagkakahalaga ng P3.37 bilyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.