TEAM PILIPINAS ‘MUST-WIN’ LABAN SA QATAR FIVE

Inquirer Libre - - SPORTS - Dennis Hilanga

NAHULOG sa ikatlong puwesto na may 4-3 kartada ang Pilipinas sa Group F ng 2019 Fiba World Cup Asian Qualifiers matapos na yumuko sa Iran, 81-73, noong Huwebes.

Kaya naman lubhang mahalaga ang closed-door game ng Pinoy cagers laban sa Qatar five ngayong 7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum para mapagtibay ang hangarin na muling makarating sa world stage.

Awtomatiko kasing aabante sa World Cup ang top three teams ng Group E at F.

Uusad din naman ang mas may magandang record na fourth-placer sa dalawang grupo ngunit ito ang pilit iiwasan ng Pilipinas nang sa gayon ay makailag sa mga komplikasyon sa team standings dahil hindi naman nito hawak ang magiging takbo ng mga laro sa Group E.

Kontra Iran, tanging si Fil-German Christian Standhardinger lang ang umiskor ng double figures at kinapos ng suporta ang Pilipinas mula sa lahat ng locals players na tumapos na mayroon lamang siyam na puntos o pababa sa kanilang pangalan.

Pumukol ng gamehigh 30 puntos at 12 rebounds si Standhardinger ngunit hindi sumapat sa ipinakitang gigil ng Iran na humugot ng 21 puntos mula kay Nik Khahbahrami.

Nalimitahan din sa malamyang 5/28 three-point field goals ang mga birador ng Pilipinas.—

LARAWAN MULA SA FIBA.COM

Yeng Guiao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.