ROUND TRIP: ESPAÑA BOULEVARD

Inquirer Libre - - NEWS - Text by Djan Magbanua, Kimberly Custodio Photos by Kezia Dominguez, Louise Ariola

Two things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila: UST at baha. Isa ang España sa bahaing lugar sa Maynila and almost every time na baha rito, walang pasok ang UST.

But lo and behold! There are a lot of things could be associated with España these days dahil sa mga go-to places na tambayan ng mga estudyante and working people as well.

And because of that, we could honestly say that this can be your new eat street destination. 1 Santorini

981 P. Noval St., Sampaloc, Manila

It sounds too Greek, but did you know na isang affordable Korean/Japanese eatery ito na malapit sa UST? The place is crowded — na ang ibig sabihin "bentable" tala- ga ito pagdating sa kanilang mga inio-offer na food. K-fans will surely enjoy the place.

Tuna Roll Gimbap - P120

2 Chiquitos

1001 Tolentino St., Sampaloc, Manila

A modest restaurant that offers great tasting chicken meals, Napaka pro-Choice nila: Choice of thigh, drumstick or chop at pati na din choice ng sauce to accompany your fried chicken from soy-garlic, gravy, cheese and garlic, buffalo, hickory barbecue and spicy sauce. All rice meals comes with free iced tea.

Cheese & Garlic Thigh P85 3 Coffee Indulgence 1051 P. Noval St., Sampaloc, Manila

Medyo masikip at dim ang lights dito, pero tahimik naman if you are looking for a place to keep up with your study, o di kaya naman mag chill after a long day sa school o trabaho.

Iced Caramel Machiatto - P85 4 The Hidden Geek Bistro

Room 104, GF, Dioresa Plaza Bldg., Dapitan St., Sampaloc, Manila Hidden Geek Bistro is a bit literal kasi medyo mahirap talagang hanapin ito. But it provides signs naman so eventually mahahanap mo rin ito.

At kapag nakita mo na ito, tiyak na matutuwa ang mga anime/game loving hearts sa kanilang theme that would bring out the kid in you.

Nachos and pitcher of iced tea - P180

Other places to visit

5. D'Cream P. Noval St., Sampaloc, Manila

Ayon sa kanilang buyers, real cream ang gamit nila kaya sila pinipilihan. Bukod pa sa masarap na drinks, affordable din.

6. Bully Buffalo Wing Bar

1203 I. Delos Reyes St., Sampaloc, Manila Sulit at affordable ang kanilang bufallo wings na hindi mo dapat palagpasin.

7. Homework's by Hanakotoba

1229 Delos Reyes corner P. Noval St., Sampaloc, Manila Medyo pricey ang menu because the restaurants and eatery near them is less expensive, but the place is neat, tahimik at you get your money's worth.

8. Neatflicks Nails and Waxing Joint

1019 Tolentino St., Sampaloc, Manila Yep, you read that right. Kaya bukod sa Netflix and chill why not Neatflicks and chill kasama ang iyong girlkada for a much needed pampering sesh?

9. Merch District

1019 Tolentino St., Sampaloc, Manila Need a new outfit? Silip tayo sa Merch District right beside Neatflicks para sa bagong pangrampa mo sa catwalk of life.

10. Acustica Bistro and Lounge

2F Didache Building, España Boulevard, Sampaloc, Manila This is the perfect place to "walwal" with your friends, sabi ng mga nakapunta na dito. Accomodating din daw ang crew kaya naman good vibes lang talaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.