NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

SINAMPAHAN si Communications Assistant Secretary Mocha Uson ng reklamo sa Office of the Ombudsman ng isang grupo ng mga taong may problema sa pandinig kaugnay ng kontrobersyal na sign language video nito.

Sinabi ni Philippine Federation of the Deaf President Carolyn Dagani hindi nito tinatanggap ang paghingi ng paumanhin ni Uson at kasama nitong blogger na si Drew Olivar.

Ang dalawa ay nahaharap sa paglabag sa Magna Carta for Persons With Disability, Code of Conduct for Government Officials, at Cybercrime Prevention Act of 2012. Hindi prayoridad ng gobyerno ang pagpapalit ng lyrics ng Lupang Hinirang base na rin sa ipinanunukala ni Senate President Tito Sotto. "Iniiwan na po namin iyan sa Kongreso, mas maraming mas matitinding problema na dapat harapin. Bahala na po ang Kongreso diyan," sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque. Ito'y matapos ang pagnanais ni Sotto na irebisa ang nilalaman ng Pampansang Awit.

LIBO-libo ang nakilahok sa paggunita ng deklarasyon ng martial law ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Biyernes. Ilang kilos-protesta ang isinagawa sa Metro Manila at sa ibang parte ng bansa para kondenahin ang batas militar na ipinairal sa bansa may 46 taon na ang nakararaan.

Ginawa rin ang mga demonstrasyon at kilosprotesta para batikusin ang pamahalaan ni Pangulong Duterte.

Gumamit ang mga nag-organisa ng hashtag ng #NeverAgain.

SINIMULAN ng Department of Agriculture ang pagbubukas ng Tienda Malasakit na siyang magbebenta sa publiko ng mga gulay at bigas sa mababang halaga. Unang nagbukas ng Tienda Malasakit sa Bureau of Plant Industry Compound sa San Andres, Maynila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.