BONG RAVENA PROMOTED HEAD COACH NG TNT KATROPA

JERRY CODIÑERA NAGBITIW SA ARELLANO

Inquirer Libre - - SPORTS -

NA-PROMOTE bilang bagong head coach ng TNT si Bong Ravena matapos ang 10 taon ng pagiging deputy mentor ng KaTropa sa Philippine Basketball Association (PBA).

Papalitan ng 48anyos na si Ravena si Nash Racela.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, nangyari ang desisyon nang magpulong ang TNT coaching staff, TNT board members at si PBA chairman Ricky Vargas Martes noong isang linggo.

Nagsilbing assistant coach si Ravena nina Chot Reyes, Norman Black, Jong Uichico at Racela.

Matatandaang nag-leave si Racela kasunod ng threegame losing streak ng KaTropa at itinalaga si assistant coach Eric Gonzales na interim head coach.

Nitong mga nakalipas na araw, kinuha rin ng TNT ang serbisyo ni Mark Dickel ng Australia at New Zealand bilang team consultant dahil nga sa malamyang panimula sa Governors’ Cup.

Naglaro muna sa TNT si Ravena mula 2000-2005 bago naging parte ng coaching staff noong 2008.

Samantala sa NCAA, nagbitiw naman bilang head coach ng Arellano Chiefs si Jerry Codiñera ayon sa pamunuan ng paaralan.

Itinalagang interim chief mentor si Junjie Ablan para sa natitirang mga laro sa Season 94.

Maaalalang iginiya ng PBA great ang Chiefs sa runner-up finishes noong Season 90 at 92.

INQUIRER.NET

Ravena at Codiñera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.