CELEBS' STRESS BUSTERS

Inquirer Libre - - ENTERTAINMENT -

KAPAG

wala raw taping at nasa bahay lang ang ilan sa mga sikat na showbiz personalities ay kalimitang ineenjoy nila ang kanilang break para makabawi ng tulog.

Ang ilan naman ay nahanap na ang kanilang pangtanggal stress sa piling ng kanilang mga alagang hayop.

Para sa mga followers ni Kapamilya star Anne Curtis, hindi na bago sa Instagram feed niya ang kanyang pusang si Mogwai, isang exotic shorthair cat. Ang palayaw ng kanyang pet ay hango sa bidang karakter ng pelikulang Gremlin. Kabilang din sa lumalagong Curtis- Smith fam ay ang iba pang alagang aso ni Anne na sina Princess Curtis Smith, Grizzly Curtis Smith, Tofu Curtis Smith, at Pancho Ze Frenchie.

Kasing cute naman ng actor-model na si Daniel Matsunaga ang kanyang alagang husky na may sarili ring IG account (@julie_matsunaga). Sweet na sweet sila sa photo na ito galing sa Instagram ni Daniel.

Hindi rin mawawala sa listahan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) celebrity advocate na si Heart Evangelista-Escudero na may special connection sa mga "aspin" o "asong Pinoy." Kamakailan lang ay nilaunch ni Heart ang "Have a Heart for Aspin" campaign niya kasama ang PAWS. Ang alagang aspin ng aktres na si Panda ay plano niyang isama sa susunod niyang pagbisita sa Paris.

Hindi pangkaraniwan ang kombinasyon ng mga alaga ni beauty queen Megan Young sapagkat may mga alaga siyang aso at pusa.

Makikita rito na kasama niya si Salem, ang alaga niyang pusa at dalawang pa niyang aso sa isa pang photo.

Animo'y zoo naman ang bahay ni Matanglawin host Kim Atienza sa dami ng kanyang mga inaalagaang hayop.

Ilan sa mga hayop na inaalagaan ni Kuya Kim ay mga beagle, mini pinscher, daschund, maging mga reptile tulad ng boa, python, at iguana.

Kasama ni Kuya Kim sa photo ang alaga niyang si Uma.

Isa rin sa mga may kakaibang pet animals ay si Bagani star Enzo Pineda.

Maliban sa kanyang pet dogs, isa ring #AntDad si Enzo dahil sa kanyang ant colony!

Di naman pahuhuli si 6 Cycle Mind lead vocalist Tutti Caringal sa kanyang koleksyon ng mga tarantula.

Minsan nang nafeature sa Matanglawin ang singer na ngayon ay councilor ng Cabuyao, Laguna dahil sa kanyang mga alagang tarantula.

-Janvin Brua, trainee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.