BED SCENE WITH ASSUNTA

Inquirer Libre - - ENTERTAINMENT - -Alex Brosas

SINIGURO ni Luigi Revilla na pupunta sa premiere night ng movie nilang “Tres” ang asawa niya.

Inintriga ang anak ni former Sen. Bong Revilla dahil sa mainit nitong love scene kay Assunta de Rossi.

“Oo, siyempre pupunta ‘yon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya. Nagpaalam naman ako sa kanya. Sobrang supportive noon. Binabasa ko ang script at binabasa din niya. ‘Ha? Talaga?’ Akala ko…ini-expect ko ipapatanggal niya,” say ni Luidi na bida sa episode na “Amats”.

E, kung ipatanggal ng dyowa niya ang sex scenes nila, payag ba siya?

“Hindi naman niya gagawin ‘yun dahil may respeto naman ’yun kay Papa at sa Imus Productions. Hindi naman siya selosa,” say pa ng aktor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.