FREE LRT, MRT RIDE SA SENIOR CITIZEN

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

SIMULA ngayong araw ay makakalibre ng sakay ang lahat ng senior citizens sa Light Rail Transit (LRT) 2 at Metro Rail Transit (MRT) 3.

Tatagal ang libreng sakay mula Oktubre 1 hanggang 7 bilang pakikiisa ng mga ahensiyang ito sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, ayon sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na ginawa noong Biyernes.

Ayon sa DOTr, maaaring makalibreng sakay ang lahat ng senior citizens sa MRT3 mula alas-5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Sa LRT 2 naman ay makakalibre ng sakay ang mga senior citizens mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kailangan lamang na dalhin at ipakita ng bawat senior citizen ang kanilang ID na inisyu ng Office for Senior Citizen Affairs, o anumang pagkakakilanlan na nagsasaad ng kanilang birthdate o edad.

Ginugunita ang Elderly Filipino Week tuwing ika-unang linggo ng Oktubre base sa Proclamation No. 470 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

INQUIRER

PAROL NG TSINO. Napapalamutian ng mga Chinese lanterns ang kalsada sa Binondo, Maynila para sa selebrasyon ng Mid-Autumn Festival, isa sa mga pinakamahahalagang piyesta ng Fil-Chinese community.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.