NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

CHILL, chill muna ngayon si Senador Antonio Trillanes IV matapos hindi maglabas ng warrant of arrest si Makati Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano para sa kasong kudeta na binuhay ng gobyerno laban sa senador.

Plano ni Trillanes na lumabas ng Senado, kung saan 25 araw na siya nagtatago rito, at umuwi ng bahay para makasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Umaasa ang senador na paiiralin ng korte ang pagiging patas at makatarungan nito sa pagdinig ng kanyang kaso. NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 in Relation to Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Law ang kontrobersyal na sidekick ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Mocha Uson na blogger na si Andrew Olivar. Nag-ugat ang kaso ni Olivar sa bomb scare joke na ipinost niya sa kanyang social media account noong Setyembre 20. “Nakakatakot naman magrally sa Edsa, kasi may kumakalat na baka maulit mangyari yung pambobomba sa Plaza Miranda, kaya kung ako sa inyo ay hindi na ako pupunta,” ayon sa post ni Olivar. Umani nang kaliwa’t kanang pagbatikos ang post dahilan para imbestigahan ng pulisya si Olivar at magsampa ng kaso. Huminga na ng paumanhin si Olivar kasama si Uson.

NAGBABALA si Armed Forces chief Gen. Carlito Galvez na dadanas ng matinding parusa ang sinumang sundalong sasali sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa pwesto. Inilabas ang babala matapos sabihin ng pangulo na may mga sundalong nakikipag-ugnayan sa Liberal Party, na una na niyang inakusahan ng pa ki ki pa gs ab wat ans a mga komunistang nagpaplanong siya'y patalsikin. Kasunod nito'y may mga nanawagan sa AFP na magsagawa ng "loyalty check," pero iginiit ng liderato ng AFP na hindi na kailangan ang ganitong hakbang dahil nananatili umanong tapat ang mga kawal sa pamahalaan.

NAUNGUSAN na ng Ultra Lotto ang pinakamalaking jackpot prize ng lotto sa kasaysayan ng bansa.

Ito ay matapos na lumagpas sa P750 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 nitong nakaraang bola. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang pinakamalaking jackpot prize ng lotto sa bansa ay P741 milyon ng Grand Lotto 6/55 na tinamaan ng isang overseas Filipino worker noong Nobyembre 2010. Tumaya ang nanalo sa Olongapo. Mahirap tamaan ang Ultra Lotto dahil mahigit sa 40.4 milyon ang anim na numerong kombinasyon na maaaring mabuo rito. Nagkakahalaga ng P24 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.