GOING FOR THE 1ST GOLD

Pinoy para-athletes sasagupa sa 3rd Asian Para Games

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Dennis Christian O. Hilanga

Hindi kapansanan ang magiging hadlang para makapagbigay sa bansa ng karangalan.

Ito ang patutunayan ng 57 Pinoy para-athletes na makikipagtagisan sa 10 mula sa 18 sports na paglalabanan sa 2018 Asian Para Games sa Indonesia.

Pangungunahan nina Paralympians Josephine Medina, Adeline Dumapong, Andy Avellana, Ernie Gawilan, Jerrold Mangliwan at Agustin Kitan ang pambansang delegasyon para sa October 6-13 quadrennial multi-sport event para sa mga physically impaired athletes sa buong Asya.

Lalahok ang Pilipinas sa archery, athletics, badminton, chess, cycling, judo, powerlifting, table tennis, swimming at tenpin bowling.

Umaasa ang bansa na masungkit ang kauna-unahan nitong gintong medalya sa ikatlong edisyon ng Asian Para Games at higitan ang limang pilak at limang tansong medalyang pagtatapos sa Incheon, South Korea noong 2014.

Apat na pilak at tatlong tansong medalya naman ang ibinulsa ng mga Pinoy sa unang pagsikad ng torneyo noong 2010 Guangzhou Games sa China.

Kasamang lilipad ng mga atleta patungong Jakarta sina chef de mission Francis Carlos Diaz, kanyang deputy na si Dennis Esta, Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, secretary general Ral Rosario at limang medical personnel mula sa Philippine Sports Commission.

Narito ang mga atletang ipapadala ng PPC:

ARCHERY

Agustina Bantiloc at Giovanni Ola

ATHLETICS

Prudencia Panaligan, Andy Avellana, Jerrold Pete Mangliwan, Joel Balatucan, Evaristo Carbonel, Jeanette Acebeda, Marites Burce, Arman Dino at Cendy Asusano

BADMINTON

Jonas Matados, Paz Lita at Kathleen Pedrosa

CHESS

Sander Severino, Henry Roger Lopez, Jasper Rom, Minandro Redor, Israel Peligro, Arman Subaste, Francis Ching, Rodolfo Sarmiento, Cecilio Bilog, Fe Mangayayam, Jean-lee Nacita at Cheryl Angot

CYCLING

Arthus Bucay at Godfrey Taberna

JUDO

Gener Padilla, Deterson Omas at Carlito Agustin

POWERLIFTING

Adeline Dumapong-Ancheta, Achelle Guion, Agustin Kitan, Marydol Pamatian at Romeo Tayawa

SWIMMING

Ernie Gawilan, Gary Bejino, Roland Subido, Arnel Aba at Edwin Villanueva

TABLE TENNIS

Josephine Medina, Minnie Cadag, Benedicto Gaela, Pablo Catalan, Darwin Salvacion at Smith Billy Cartera

TENPING BOWLING

Kim Ian Chi, Samuel Matias, Angelito Guloya, Christopher Yue, Francisco Ednaco, Jaime Manginga, Augusto Hernandez, Crisostomo Yao, Noel Espanol at Ruben San Diego

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.