OPPA OF THE WEEK

Kim Tae Hyung (V) singer

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - - Louise Ariola trainee

• IPINANGANAK si Kim Tae Hyung, mas kilala bilang V, noong December 30, 1995 sa Daegu, South Korea.

• Miyembro ng pinakasikat na K-Pop group na BTS o Bangtan Sonyeondan.

• Matapos maka-graduate mula sa Korean Arts High School noong 2014, nag-enroll siya sa Global Cyber University.

• Noong June 13, 2013, pormal siyang nag-debut bilang miyembro ng BTS.

• Ayon sa kanya, ang ibig sabihin ng kanyang stage name na “V” ay victory, na pinili niya at ng kanyang mga kamiyembro bago sila mag-debut.

• Sa parehong taon, naging bahagi siya ng pagsusulat at pagpoproduce ng kantang “Hold Me Tight” at “Fun Boyz” sa album nilang “The Most Beautiful Moment in Life Part. 1”

• Noong 2016, bumida siya bilang si Seok Han-Sung sa Korean drama na "Hwarang: The Poet Warrior Youth." Siya ring kumanta ng original soundtrack nito.

• Na-nominate siya last year sa category na Best OST, sa pagkanta nito ng “It’s Definitely You”.

• Naging cast din siya ng MBig TV Variety Show na “Celebrity Bromance,” kung saan nakasama niya si Kim Min Jae.

• Maliban sa pag-arte at pagkanta, magaling din siya sa pag-play ng axophone.

I-follow ang instagram account ni Tae Hyung na @btstae, na mayroong 4.7 million followers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.