’WAG MAGING BIKTIMA NG ‘DEATH SELFIE’

Inquirer Libre - - NEWS -

BAGO mag-selfie basahin mo muna ‘to.

Alam n’yo ba na umaabot na sa 259 katao ang namatay habang nagsi-selfie mula Oktubre 2011 hanggang Nobyembre 2017.

Death selfie kung tawagin ang mga ganitong pangyayari.

Ang datos ay mula sa mga English report na nakuha ng pag- aaral na pinangunahan ni Dr. Agam Bansai ng India Institute of Medical Sciences. Nailathala ang kani- lang ulat sa Journal of Family Medicine and Primary Care.

Ang pagkamatay ng 259 katao ay sanhi ng 137 insidente.

Kalimitang sanhi ng pagkamatay ay pagkalunod, pagkahulog at habang bumibiyahe.

Mayroon umanong mga namatay dahil tinangay ng anod sa dagat, lumubog ang sinasakyang bangka at hindi marunong lumangoy.

May mga namatay din habang nagsiselfie sa tren.

Sa Estados Unidos accidental firing naman ang sanhi ng pagkamatay ng ilang nag-selfie.

Sa India mayroong pinakamataas na bilang ng mga namatay habang nagsi-selfie. Sumunod ang Russia, Estados Unidos, at Pakistan.

Ang India ang mayroong pinakamalaking populasyon ng mga kabataan at popular sa kanila ang groupie o group selfie.

Ang average na edad ng mga namatay ay 22.94 taong gulang. Mas maraming lalaki ( 72.5 porsyento) ang namatay kaysa sa mga babae ( 27.5 porsyento). Ito ay kahit na mas madalas magselfie ang mga babae kaysa sa mga lalaki.

Ito umano ay dahil mas extreme ang mga selfie na gusto ng mga lalaki.

Inirekomenda ng mga researcher ang pagpapatupad ng ‘no selfie zone’ sa mga mapanganib na lugar gaya ng ibabaw ng mga matataas na gusali.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.