NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

FINALLY, nagbitiw na sa tungkulin ang kontrobersyal na si Mocha Uson bilang undersecretary ng Presidential Communications Operations Office.

Pero nagbanta siya sa kanyang mga kritiko na dadalhin niya ang kanyang laban kung hindi man sa Senado ay sa Kamara. Balak niyang tumakbo sa darating na 2019 elections. Boboto mo ba siya?

DUDA ka ba na may malalang sakit si Pangulong Duterte? Noong isang linggo umamin siya na sumailalim siya sa panibagong mga test

base na rin sa advise ng kanyang mga doktor.

Sa kanyang talumpati sa harap ng alumni ng Philippine Military Academy noong Huwebes, may tila pahiwatig ang pangulo na: If it’s cancer, then it’s cancer.

UMABOT sa 120 mga distressed overseas Filipino workers (OFW’s) ang nakauwi sa bansa mula sa Saudi. Limang bata rin ang dala ng kanilang mga magulang nang dumating sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport Biyernes ng umaga. Tinatayang nasa 200

pang OFWs ang naiwan sa Saudi at may kinakaharap na mga problema.

NAITALA sa 6.7 porsyento ang inflation rate sa bansa noong Setyembre, ang pinakamalaking pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa nakaraang siyam na taon.

Ayon sa Philippine Statistic Authority, mas mataas pa ito sa 6.4 porsyento na naitala noong Agosto. Noong Setyembre 2017, ang inflation rate ay 3.0 porsyento lamang.

Noong Pebrero 2009, ang inflation ay naitala sa 7.2 porsyento.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.