HULING 2 SILYA SA FINAL 4 PINAG-AAGAWAN NG 3 KOPONAN

Inquirer Libre - - SPORTS - -Frederick Nasiad

SA 10 koponan sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament, dalawa na ang nakasisiguro ng pwesto sa Final 4.

Lima na rin ang nalaglag at wala nang tsansang makausad pa sa semis.

At ang huling dalawang nalalabing silya sa susunod na round ay kasalukuyang pinag-aagawan ng tatlong koponan:

Letran

Knights,

Perpetual

Help

Altas at

College of St.

Benilde

Blazers.

Sa tatlong koponan na ito ay nakalala-mang ang Letran at Altas pero may pag-asa pang humabol ang Blazers na kasalukuyang nasa ikalimang puwesto.

Nasa top 2 spotsnamanang nagdedepensang kampeong San Beda Red Lions at ang paboritong Lyceum Pirates.

Pawang may tigatlong laro pang natitira sa elims ang Knights, Altas at Blazers. At lahat ng mga sagupaang ito ay mahala- ga sa tatlong koponang ito na naghahabol ng semifinals slot. Ang mga natitirang laro ng Letran ay kontra San Sebastian sa Oktubre 9, Perpetual Help sa Oktubre 12 at St. Benilde sa Oktubre 23. Ang huling tatlong kalaban naman ng Perpetual Help ay Emi- lio Aguinaldo College sa Oktubre 9, Letran sa Oktubre 12 at San Beda sa Oktubre 23.

At ang remaining games ng St. Benilde ay laban sa Lyceum sa Oktubre 11, Jose Rizal University sa Oktubre 16 at Letran sa Oktubre 23.

Sa Final 4, ang top 2 teams ay magkakaroon ng twiceto-beat advantage laban sa No. 3 at No. 4 teams.

Ang dalawang koponan na magwawagi sa semis ay magsasagupa naman sa best-of-3 Finals para sa kampeonato.

Noong isang taon, tinalo ng San Beda ang Lyceum sa Finals para sa ika-21 titulo ng Red Lions sa NCAA.

LETRAN ST. BENILDE PERPETUAL HELP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.