OVER 40 AND FLAWLESS

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - -Janvin Brua

AGING is inevitable but most of us are afraid of growing old. E, paano pa kaya ang mga artista, na isa sa mga job descriptions is to look good/young/glamorous in front of the camera?

Sa dami ng mga artista, narito ang 10 na hindi mo talaga kakikitaan ng pagkatanda. Or maybe just a pinch.

ALICE DIXSON

We can still feel it! Nakilala si Alice sa isang beauty soap commercial 30 years ago. Pero at 49, kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga bagets sa pagrampa, whether in bikini o slinky dresses.

INA RAYMUNDO

Tanong ng karamihan, paano nga ba maging kasing-delish ng actress and mom of five na si Ina Raymundo? Sa itsura at kaseksihan niya, hindi mo aakalaing 42 na si momshie!

Copies flew off the shelves nang maging cover girl siya ng 17th anniversary issue ng men's mag na FHM a few years back.

DAWN ZULUETA

Isa pang "diyosa" ng showbiz ay si Dawn Zuleta, si First Lady Marissa Hidalgo ng "FPJ's Ang Probinsyano." Gaya ng kanyang role sa top-rating drama ay sophisticated at postura kung postura rin siya sa totoong buhay. Hirap din ang mga netizens na i-distinguish ang pagkakaiba sa mga throwback photos ni Dawn, na madalas niyang i-post sa kanyang IG, sa itsura niya ngayong 49 na siya!

JEAN GARCIA

Minsan nang nabansagan na "cougar" ang actress na si Jean Garcia dahil sa kanyang dating na very hot momma na porma. Ang sexy-kontrabidang na kinagigiliwan ngayon sa "Ika-5 Utos" ay hindi mo aakalaing 49 na at isa na ring lola!

CHERIE GIL

At 55, Cherie doesn't look a year older from when she starred in the movie "Problem Child" in the early 80s. Charot. Slim and fit and gorgeous, thanks to daily workout and diet and genes, bongga pa rin ang career ni Cherie, the country's Prima Contravida.

RICHARD YAP

Parang James Reid and Daniel Padilla kung pagkaguluhan lang ang chinito dad na si Richard Yap lalo na at the height ng popularity ng TV drama na "Be Careful withmyHeart." Let see kung dudumugin pa rin sina James at DJ pag dating nila when they're at Richard's age na 51.

IAN VENERACION

Matinee idol pa rin ang peg ng Filipino-Spanish dad na si Ian Veneracion, who started as a child actor sa sitcom na "Joey and Son" in the 80s. Tanong sa kanya sa isang interview, ano ang feeling na maging heartthrob in his 40s? Pero ang tanong na mas kailangan ng kasagutan ay ano ang sikreto ni Ian para kakiligan siya, hindi lang ng mga kaedad niya, kundi pati ng mga bagets?

ZOREN LEGASPI

Padre de pamilya ng isa sa pinakasikat na showbiz family, talaga namang angkin na angkin ni Zoren ang "daddy" tag. Ito'y hindi dahil sa pagiging tatatly, kundi dahil sa pagiging attractive, na kalimitang ina-associate sa nasabing millennial term.

CHRISTIAN VASQUEZ

Gaya ng kanyang mga kasamahan sa primetime drama na "Ngayon at Kailanman" na sina Alice Dixson at Ina Raymundo, parang dinadaya rin ng former sexy actor ang pagtanda. Yes, Christian, suportahan ta ka kahit maputi na ang buhok mo!

RICHARD GOMEZ

Who would forget Goma sa TV ng Bench in the early 90s? Two decades na ang nakaraan pero hunk na hunk pa rin ang porma ng award-winning actor cum politician. Dapat lang. Kung mala-diyosa ang asawa mo gaya ni Lucy Torres, you cannot afford na magmukhang DOM.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.