9 HALAMAN NA NAGBIBIGAY NG OXYGEN

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE - Ni Blesilda Begas

ISA sa karaniwang project sa eskwela ay ang pagdadala ng halaman sa paaralan. Bagay itong proyekto ngayong buwan kung kailan ipinagdiriwang ang National Lung Month.

Kalimitan na ito ay ginagamit sa pagpapaganda ang paaralan.

Pero alam n'yo bang masmagandang magdala ng halaman na naglalabas ng mataas na lebel ng oxygen kaysa sa mga nagpapaganda lang.

Ito ay para makatulong sa mga bata para higit na matuto, lalo na sa mga paaralan na malaki ang bilang ng populasyon.

Areca Palm

Ang Areca Palm ay kumukuha o lumalanghap ng maraming carbon dioxide at siya namang naglalabas ng maraming oxygen. Ang halamang ito ay nagmula sa Madagascar.

Bukod dito, ang Areca Palm ay mayroon ding kakayanan na linisin ang mga mapanganib na kemikal sa kapaligiran gaya ng formaldehyde, xylene at toluene.

Noong 1989, gumawa ng Clean Air Study ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa tulong ng Associated Landscape Contractor of America upang hanapin ang halaman na pinakamabisa sa paglilinis ng hangin at magagamit sa outer space.

Sa 19 na halamang sinuri, ang MOTHER-IN-LAW’S TONGUE

Areca Palm ang pinakamabisa sa paglilinis ng hangin.

Mother-In-Law’s Tongue

Ang Mother-In-Law’s Tongue o Snake Plant ay malakas ding gumawa ng oxygen.

Pero hindi gaya ng ibang halaman, gumagawa ito ng oxygen kapag gabi.

Mayroon din itong kakayanan na mag-alis ng masamang kemikal sa hangin gaya ng benzene, formaldehyde, trichloroethylene, xylene at toluene.

Dahil gabi ang produksyon nito ng oxygen, marami ang naglalagay nito sa kuwarto. Hindi rin nito kailangan masyado ng liwanag ng araw kaya hindi kailangang ilabas palagi.

Money Plant

Hindi pera kundi oxygen ang ibibigay sa iyo ng Money Plant.

Mayroon itong ability na linisin ang hangin at alisin ang benzene, formaldehyde, xylene at toluene.

Kaya lang ang dahon ng halamang ito ay mayroong toxin kaya iwasan na makain ito ng aso, pusa at mga bata.

Chinese Evergreen

Kung nagrereklamo ka sa kalidad ng made in China, mapapabilib ka naman sa galing ng Chinese Evergreen na gumawa ng oxygen. Nililinis din nito ang hangin kaya marami ang naglalagay nito sa bahay.

Aloe Vera

Madali lang alagaan ang aloe vera. At sa pag-aaral hindi lang ito magandang ilagay sa anit para maging malusog ang buhok kundi naglalabas din ito ng oxygen lalo na kapag gabi.

Naaalis din nito ang mapan- ganib na formaldehyde at benzene sa hangin. Ang dalawang kemikal na ito ay sinasabing human carcinogens.

Marami ang naglalagay ng halamang ito sa kuwarto upang mag-absorb ng carbon dioxide.

Maaari ring ipahid ang dagta nito sa napasong balat.

Para lumago, maganda kung paaarawan ito at huwag lunurin sa tubig.

Orchids

Bukod sa magandang bulaklak, ang orchids ay maganda ring air purifier.

Inaalis nito sa hangin ang xylene, isang kemikal na makikita sa pintura.

Malakas itong gumagawa ng oxygen kapag gabi.

Christmas Cactus

Kung sumasaya ka kapag nakakakita ng Christmas tree, dapat ay maging masaya ka rin sa Christmas cactus.

Bagamat ang cactus na ito ay namumulaklak lamang kapag magpapasko, araw-araw naman itong naglalabas ng oxygen lalo na kung gabi.

At ang maganda sa halamang ito, okay lang kahit na hindi maarawan.

Anthuriums

Ang Anthurium ay hindi lamang magandang panregalo.

Ang mga dahon nito ay nagaabsorb ng ammonia, formaldehyde, toluene at xylene bukod pa sa naglalabas ito ng oxygen.

Maganda ang halamang ito malapit sa xerox machine, printers at imbakan ng adhesives.

Gerbera Daisy

Hindi lamang nagpapaganda ng isang lugar ang Gerbera Daisy dahil sa kulay nito, nag-aalis din ito ng benzene at formaldehyde.

Kapag summer ay maganda itong nasa labas ng bahay dahil kailangan nito ng init ng araw para mabuhay.

MONEY PLANT ALOE VERA ANTHURIUMS

CHRISTMAS CACTUS

ARECA PALM

CHINESE EVERGREEN

GERBERA DAISY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.