NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal ng Bureau of Customs (BOC) matapos italaga si Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Customs Commissioner. Inalis ang BOC chief na si Isidro Lapeña at inilipat bilang Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ipinag-utos din ni Duterte na ilagay sa floating status ang mga sinibak na opisyal ng BOC.

Nais din ni Duterte na isuspinde muna ang operasyon ng BOC ha- bang ipinapatupad ang pagpapalit ng liderato. Nag-ugat ang balasahan dulot ng kontrobersyal na P6.8 bilyong shabu na nasa loob ng apat na magnetic filters na umano’y nakalusot sa BOC.

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang hindi pagkakasama ng superstar na si Nora Aunor sa bagong listahan ng mga itinanghal na National Artist Award. Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na bata pa naman si Aunor at kinikilala na- man ng administrasyon ang kanyang talento at naging kontribusyon sa larangan ng pelikula at pagkanta.

“Ms. Nora Aunor is still young and in God’s perfect time we are optimistic that she will be proclaimed as a National Artist. Her non-inclusion does not diminish her iconic stature as the country’s Superstar and her significant contributions to film, theater, television and music industries,” sabi ni Panelo.

SINIBAK ni National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang tatlong kadete ng PNP Academy (PNPA) na di- umano’y sangkot sa oral sex scandal sa akademya. Dalawang plebo (freshman) ang pinarusahan ng tatlong upper classmen na mag oral sex. “Kailangan ma-dismiss ‘yan sa serbisyo. We can assure you na maliban sa criminal case, magkakaroon pa sila ng administrative charges that will lead to their dismissal from cadetship,” sabi ni Albayalde. Sinabi ni PNPA director Chief Supt. Joseph Adnol na inihahanda na ng akademya ang kasong administratibo, habang magsasampa naman ng magkahiwalay na kasong kriminal ang mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.