Hanggang pang-P20 wage hike lang kayo!

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - ALAN TANJUSAY

EMPLOYERS and business groups shot down the P334 wage hike petition filed by a labor group.

Ang nakakatawa, ang kaya lang daw ni- lang ibigay sa ating working force na mga minimum wage earners dito sa Metro Manila ay P20.

Anu-ano ba ang mga kadahilanan kung bakit ayaw ng mga employers and businesses ang P334 o any substantial wage increase na hinihingi natin?

Noong October 24, nagsagawa ng consultation ang wage board sa isang hotel sa Manila sa mga em- ployers and business groups regarding sa wage hike petition.

Narito ang mga dahilan nila:

1. Maraming kumpanya raw ang magsasara at malulugi kung magtataas ng sahod. As a result, maraming mga manggagawa ang mawawalan din ng trabaho.

2. Sinabi ng mga negosyante na inflationary ang magdagdag ng sahod. Ibig sabihin lalong tataas ang inflation dahil ipapasa rin nila sa kanilang ibinibentang produkto at halaga ng serbisyo ang halaga ng wage increase na ibibigay nila sa kanilang mga empleyado.

3. Isa na raw ang Pilipinas sa may pinakamataas na sahod sa Asean kung kaya't kung magdagdag pa, wala nang investors ang mamumuhunan dito dahil mataas ang wage rate compared with other countries in the region na nago-offer ng cheaper labor.

4. And lastly, kapag nagdagdag ng sahod pero later on bumaba na ang inflation rate, hindi na mababawi pa ang ibinigay na increase. So luging- lugi naman daw sila.

Kayo, ano’ng say n’yo rito? Naniniwala ba kayo sa kanila?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.