NEWS BITS

Inquirer Libre - - NEWS FEATURE -

MAS gaganda na umano ang serbisyo ng Metro Rail Transit 3 sa pagpasok ng gobyerno at Japan sa P18 bilyong kasunduan para sa rehabilitasyon nito. Ayon kay Transportation Usec. for Railways Timothy John Batan ang kasunduan ang magbibigay daan sa pagbabalik ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries sa operasyon ng MRT. Ang Sumitomo- Mitsubishi ang orihinal na nagdisenyo at nagtayo ng MRT 3. Sa Nobyembre 7 itinakda ang pirmahan ng 43 buwang kontrata. Saklaw ng kontrata ang pagsasaayos sa mga bagon, riles, radio system, CCTV system, signaling system, power supply system, at public address system.

NAGSIMULA na nitong Biyernes ang pagpapatupad ng P10 minimim na pasahe sa mga pampasaherong jeepney. Pero iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tanging ang mga jeepney lamang na merong bagong fare matrix o fare guide ang maaaring maningil ng mas mataas na minimum fare. Ang fare matrix ay kaila- ngang kunin sa LTFRB dahil ginawang permanente ang bagong singil sa pasahe. Nagkakahalaga ng P520 ang application fee at P50 sa bawat unit. Ipinaalala rin ng LTFRB na dapat magbigay ang mga driver ng 20 percent discount sa mga estudyante, senior citizen at taong may kapansanan. SA halip na ihi, nais ni 1Pacman Rep. Mikee Romero na buhok ang gamitin sa mga drug testing dahil mas epektibo umano ito. Ayon kay Romero, sa pamamagitan ng buhok ay matutukoy kahit matagal na tumigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang isang tao. “Hair sample testing for drugs will reveal long- term, habitual illegal drugs use. That is its compelling value and advantage versus urine sample testing,” ani Romero. Sinuportahan ni Romero ang Executive Order 66 o ang Philippine Anti- Illegal Drugs Strategy na naglalayong palakasin ang kasalukuyang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.