Nasaan Ang Forever (33)

Liwayway - - Mga Nilalaman - Ni NERI JEDELIZ

Neri Jedeliz

NANG araw na iyon, medyo inabutan si Ray ng dilim sa kanyang opisina. May mga kaso kasi siyang dapat niyang pag-aralan kaya ginabi siya. Nag-iisa na lang siya at umuwi na ang kanyang sekretarya kanginang alas singko ng hapon.

Tiningnan niya ang kanyang relo de pulso at nakita niyang mag-aalas diyes na ng gabi. Nakaramdam na rin siya ng pagod kaya minabuti niyang umuwi na upang makapagpahinga. Nasa

parking lot lamang ng kanilang building ang kanyang kotse. Isinara niya ang kanyang opisina at sumakay sa elevator pababa. Pagdating sa groundfloor, diretsong lumabas siya at tinungo ang parking lot. Nadaanan pa niya ang dalawang security guard na kumaway pa sa kanya nang papalabas na siya sa main door ng building. Maglilimang taon naman siyang nag-oopisina sa

building na ito kaya kilalang-kilala na siya ng mga security guard. Paglabas niya sa main door, kaagad na tinungo niya ang maluwang namang parking lot. Natanaw niya ang kanyang kotse na naririyan pa rin sa espasyo na kanyang pinag-iwanan. Wala nang kotseng naka-park maliban ang sa kanya, sapagkat halos lahat ng mga empleado ay umuwi na. Hindi masyadong maliwanag sa parking lot sapagkat ang mga kotse pag umaalis o dumating may ilaw rin. Tinungo niya ang kanyang kotse at binuksan, at umupo sa

driver’s seat. Paandarin na sana niya ang kanyang kotse nang maramdaman niyang may malamig at matigas na bagay ang dumaiti sa kanyang leeg. Nang sumulyap siya sa salamin sa kanyang uluhan, nakita niyang may tao pala sa backseat at nakatutok ang hawak nitong baril sa kanyang leeg.

Talagang nabigla siya, parang nakakita siya ng maligno. Pero bilang abogado, sanay na siya sa ganitong kabilis na pangyayari. Nagawa niyang di mag-panic, at sinikap niyang maging mahinahon.

“Pare, baril itong nakatutok sa ulo mo, pero di ito puputok kung pakinggan mo muna ako,” narinig ni Ray na bigkas ng lalaki sa kanyang likuran.

“Sino ka ba?” mahinahong sagot ni Ray na huminga nang malalim. “Ako si Boy Turko. Kilala mo ba ang pangalang iyan?” “Wala akong kilalang Boy Turko.”

“Me bisita tayo, Juday. Pakisamahan mo nga siya sa guest room. Doon siya matutulog. Bukas ko na lang kausapin si Mama,” ani Ray.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.