Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Ni BOY A. SILVERIO

Boy A. Silverio

ITINALAGA ni Andres Bonifacio si Marina Dizon Santiago bilang kasapi ng Katipunan at naging mga saksi sina Gregoria de Jesus, maybahay ni Bonifacio, Josefa at Trinidad Rizal at mga pamangking sina Angelica Lopez at Delfin Herbosa. Naging masigasig siyang kasapi sa kilusan. Siya ang tagapag-ingat ng talaan ng mga kasapi at tagapagpaliwanag sa mga bagong kasapi ng Konstitusyon at aral ng Katipunan.

Kahit babae si Marina, nagpamalas siya ng pambihirang tapang at ang laging paalala sa mga kasama ay huwag magpakita ng takot sa nalalapit na himagsikan at italaga na ang loob na mabiyuda o maulila anumang oras o anumang mangyari.

IPINALALAGAY na si Pedro Bukaneg ay ipinanganak sa Bantay, Ilokos Sur, sapagkat siya ay natagpuang bagong silang na sanggol na nakalagay sa isang basket at lumulutang sa ilog Bantay.

Ang babaeng nakatagpo sa kanya ay siyang nagkaloob sa kanya kay Padre Geronimo Cavero na siyang nagturo sa kanya ng pananampalataya. Malaki ang naitulong niya sa paghimok sa mga Ilokano na maging mga Kristiyano.

Ang kanyang kaalaman sa mga diyalektong Ilokano, Tingulan at Tagalog ay siyang nakatulong sa kanya nang malaki sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo na siya namang sanhi ng paghanga sa kanya ni Haring Philip ng Espanya at ng Mahal na Papa sa Roma.

NOONG Pebrero 13, 1565, si Miguel Lopez de Legazpi ay dumating sa Maynila sa ilalim ng mga iniuutos ng hari ng Espanyang si Felipe II—na lusubin at pamahalaan ang Pilipinas. Si Legazpi ay dumating na kasama ang apat na bapor at may sakay na 380 katao. Si Padre Urdaneta, na dumating na kasama ni Legazpi ang kumatawan sa espada, at si Urdaneta naman ay sa krus ng Espanya.

ISINILANG sa lalawigan ng Camarines Norte noong 1860 si Heneral Vicente Lukban, ay naging gobernador ng lalawigan ng Tayabas, (Quezon na ngayon) noong 1912. Muli siyang kumandidato ay nahalal na gobernador noong 1916 pero hindi na niya natapos ang ikalawang termino dahil binawian na siya ng buhay sanhi ng karamdaman.

At sa kanyang pagpanaw, ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Quezon (ang Lukban) dahil sa kanyang kabayanihan at katapangan para sa kalayaan ng bayan.

ANG Kennon Road ay siyang nagdudugtong sa Baguio City at sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng La Union. Ginawa ito noong 1903 at binuksan sa mga biyahero makalipas ang mahigpit dalawang taon. Ipinangalan ito kay Col. Lyman Walter Vere Kennon ng US Army Corps of Engineers na siyang gumawa ng nasabing highway.

Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.