Angel Locsin, Exciting Ang Lovelife At Showbiz Career!

Liwayway - - Mga Nilalaman - Nonie V. Nicasio

LAMAN ng balita lately ang Kapamilya aktres na si Angel Locsin. Unang dahilan ay dahil finally, inamin na niya na sila na ni Neil Arce. Bukod pa rito, nag-renew kamakailan ng kontrata ang aktres sa ABS CBN. Plus, humahataw rin kasi sa ratings ang show nilang Pilipinas Got Talent. “Yes, we’re together, we’re not just dating anymore, we’re together.

Ever since naman open ako sa inyo. Hindi pa talaga namin alam kung ano 'yung label, pero ngayon mayroon na kaming label. “Klarong-klaro na, kasi nahihirapan na ako sa mga interviews… ‘Ano ba? Lagyan na natin ng something.’ Tapos ay tawa siya nang tawa, ‘Ikaw lang naman 'yung ayaw e.’ Itong month na ito, as in bago lang, recent lang. Recent lang talaga, as in recent lang,” nakangiting wika pa niya. “Akala ko nga ay aabot pa ng Valentine’s day, eh,” pabirong saad pa ng aktres. Ano’ng klaseng karelasyon si Neil? “Ayun, walang ano, wala kang masasabi kasi we’ve been friends for seven years. Para lang kaming talagang magbarkada lang.” Hanggang kasalan na ba ito? “Ay ayaw kong magsalita, pero bakit naman hindi? Parang, hindi naman namin ito gagawin kung di ka nakakakita na parang, ‘Ah, okay itong taong ito.’ Pero right now parang we’re taking our time. Siguro sobrang take our time, parang ganoon, sobrang ini-enjoy lang namin. I’m just happy na nandiyan siya sa tabi ko.” Samantala, late last month ay nag-renew si Angel ng kontrata sa Kapamilya network. Post ng aktres sa kanyang Instagram account: “Grateful for the continuous trust so excited to share this exciting journey with you guys Thank you ABS-CBN.” Sa hiwalay namang panayam, ipinahayag niya ang kaligayahan sa pagpapahalaga at pag-aalaga sa kanya ng ABS CBN. “I’m so happy. Iba iyong pakiramdam ‘pag alam mo at nararamdaman mong pinapahalagahan ka at may malasakit sa iyo ang mga tao. Lagpas 10 years na ako sa ABS-CBN, nakakatuwa na patuloy mo pa ring nararamdaman 'yung care nila sa iyo.

“Hangga’t kailangan naman nila ako, nandiyan lang ako kasi iba 'yung suportang ipinakita nila sa akin. Ang dami kong natutunan dito sa ABS-CBN. Nag-grow ako as an actress, masarap 'yung nagmamalasakit rin sa iyo iyong company, ang sarap magtrabaho.” Ano ang mga project na gagawin niya for this year? “Malapit nang maluto. Tinitimpla na ngayon 'yung teleserye at saka pelikula. Target namin itong year na ito maipalabas. Sana hindi magsabay para matutukan. Pero I’m happy to have work na mahal ko. Medyo matagal pa tayong magkakasama.

“I think sa movie (makakasama ko) si Richard kung mafafinalize na. Siya rin naman 'yung first choice ko kasi, di ba, noong nag-transfer siya rito, sabi ko, ‘Eto na iyong opportunity ko para makatrabaho ko siya ulit.’ Kaya iga-grab ko talaga ito.”

Sa bagong teleserye ni Angel, ang Dreamscape unit ang kanyang makakatrabaho. Sa Star Creatives business unit siya noong nakaraang TV show ng aktres.

“I am very excited kasi first time kong makatrabaho under Dreamscape. Matagal ko nang iwini-wish na makatrabaho sila dahil super nice sa akin sina Sir Deo (Endrinal) and excited naman akong makakakilala ng ibang unit, kaya iba ito.

“Ibang challenge naman ito para sa akin. Ayaw pa nila ipasabi pero I am very excited, kasi first time kong makakatrabaho ang Dreamscape,” wika pa ng 32-year-old na aktres.

Kung may choice siya, sino ang pipiliin niyang makatrabaho sa Dos? “Matagal ko na ring inaawitan si Coco (Martin), e. Limang taon ko na yata inaantay si Coco pero nakapagantay naman ako, so ano pa ba 'yung mga susunod na taon na aantayin ko? Busy din kasi si Coco. Ikaw ba naman mag

Panday tapos Ang Probinsyano.” Ipinahayag din ni Angel ang kagalakan sa mataas na ratings at trending na show nilang Pilipinas Got Talent. “I’m very happy na nandito pa rin ako sa Pilipinas Got Talent na nagkakaroon ng

opportunity para makapagbigay ng katuparan sa pangarap ng mga tao at kasiyahan na rin.

“Maraming salamat, parang hindi namin ine-expect na ganoon iyong… alam namin na magugustuhan ng mga tao kasi ay magagaling ang mga contestants, pero, hindi namin ine

expect na ganoong kabongga at ganoong kainit ang magiging pagtanggap. Kaya maraming-maraming salamat at sana ay ma

sustain namin iyong excitement,” aniya pa hinggil sa show nila nina Vice Ganda, Robin Padilla, Mr. Freddie ‘FMG’ Garcia, Billy Crawford, at Toni Gonzaga.

larawang kuha ni Sany Chua

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.