Nasaan Ang Forever (36)

Liwayway - - Mga NIlalaman - Neri Jedeliz

H(IKA-36 NA LABAS)

INDI mawari ni Liza kung ano ang isasagot sa huling kahilingan ni Roy. Datapwa’t napagtanto rin niya na papayag man siya o hindi, di na mahalaga. Batid niyang di magtatagal ay susunod na siya kay Roy. Bakit di na lang niya pagbigyan ang kahilingan ng isang nasa bingit na ng kamatayan, kung ito ang makapagpaligaya rito sa huling mga sandali?

“Marahil nais mong gayahin ang mga nababalitang masasabing weird wedding. Gaya ng me isang babaeng nagpakasal sa kanyang nobyo na nakahimlay na sa kabaong. May magkasuyo namang kapwa pumanaw dahil sa isang aksidente sa sasakyan at ikinasal ng kanilang mga magulang habang pinaglalamayan sapagkat iyon daw ang kahilingan nilang dalawa bago malagutan ng hininga. Meron pang mga pambihirang kasalan, kung nais mo pang makinig…” ani Liza kay Roy.

“Huwag mo nang banggitan ‘yan. Magkaiba tayo sa kanila. Ang atin lang nais ay malubos ang ating pagkatao bago natin lisanin itong mundo, batay sa utos ng Diyos,” tugon ni Roy. “Kahit walang pag-ibig?” “Wala ba?” Ilang saglit na di nakahuma si Liza. Di niya masabi kung may pagmamahal din siya kay Roy o wala. Ang masabi lang niya’y isang mabait at kagalang-galang na lalaki si Roy, isang ulirang husband material na pinapangarap din ng isang babae. Sana’y wala lang itong sakit.

“Ano, Liza? Tapos na ang ating honeymoon sapagkat di na ako makakabangon sa higaang ito. Kasal na lang ang kulang upang mabigyan natin ng katuparan ang isang pangarap. Payag ka ba?”

Parang wala sa sarili na tumango si Liza. Ng mga sandaling ito’y nararamdaman niyang para lang siyang isang bagay na palutang-lutang sa karagatan at sunud-sunuran kung saan

“O, naririto na ‘ko. Me pambayad ka na.” “Puwes, p’wede na tayong mag-umpisang mag-usap.”

itaboy ng mga alon.

Bumadha ang ligaya sa mukha ni Roy. “Salamat, Honey. Let me call you honey, kahit sa huling pagkakataon. Pakitawag lang si Mama upang mairaos na ang ating kasal.”

Di na kailangang tawagin ni Liza ang ina ni Roy. Naroroon lang ito sa labas ng pintuan at nagmamasid. Napagbilinan na ito ni Roy, at nakahanda naman kung ano ang kahihinatnan ng usapan nina Roy at Liza. Kaya madaling pumasok si Mrs. Jarantilla sa silid kabuntot din ng kanyang asawa.

“Okey na, Mama, Papa, pumayag na si Liza. Pakisuyo na lang na tawagin si Reverend Palacios sa kapilya nitong ospital,” ani Roy. Umaagos ang mga luha na niyakap ni Mrs. Jarantilla si Liza. “Maraming salamat, Iha. Pinaligaya mo ang aking anak sa kanyang huling mga sandali,” nasambit ni Mrs. Jarantilla.

Madaling naisakatuparan ang kahilingan ni Roy. Naririyan lang naman si Padre Palacios sa kapilya nitong hospital na isa ring Pinoy. At idinaos ang seremonya ng kasal, na nakahiga si Roy sa kanyang kama, habang nakaupo lang si Liza katabi nito. Hawak ni Liza ang isang palad ni Roy habang binabasbasan sila ng pari. Sandaling tumitig kay Liza si Roy na nakangiti at maligaya. At unti-unting itong pumikit. Madaling natapos ang seremoya. “Now, you may kiss the bride,” nawika ng pari patungkol kay

Roy.

Ngunit di na dumilat ang mga mata ni Roy. Isang doktor na sumaksi sa kasal ang humawak sa pulso ni Roy. Di na kumikibo ang dibdib ni Roy. Napailing na lang ang doktor.

“Pumanaw siyang mapayapa at maligaya,” nawika ng doktor.

Ang lahat ng nakasaksi’y di napigilan ang lumuha, lalo na ang ina at ama ni Roy. Tumutulo ang mga luha na yumuko si Liza at dinampian ng masuyong halik ang pisngi ni Roy. May ibinulong: “Mauna ka lang, Roy. Di maglalao’y susunod na rin ako sa ‘yo.”

SA Pilipinas…

Nang makabalik sa Maynila si Ray, umuwi kaagad siya sa kanilang bahay. Ipinagtapat niya sa kanyang inang si Senyora Trining ang tungkol kay Magda na ngayon ay naroon sa kanilang rest house sa Baguio upang makaiwas sa mga tauhan ni Gudo.

“Akala ko pa naman siya na ang babaeng pakakasalan mo,” ani Senyora Trining.

“Relaks ka lang, ‘Ma. Iyan ngayon ang tinatrabaho ko, ang hanapin ang babaeng pakakasalan ko. Konting tiyaga at panahon na lang,” tugon ni Ray. Di na nag-usisa pa ang matanda.

Dinukot naman ni Ray sa kanyang bulsa ang kanyang selpon at tawagan si Boy Turko. “O, Attorney, ano ang balita?” ani Boy. “Tama ang hula natin, Boy. Si Ana at si Liza’y magkakambal. Si Ana narito nga sa Maynila nakatira kaya nagkita kami. Si Liza nama’y sa Baguio nakatira.”

“Wala na ngang iba pang paliwanag. Iyon na nga ang ultimong sagot sa katanungan. O, nasaan ngayon ang dalawa?”

“Sa palagay ko’y naroroon silang dalawa sa abroad. Di ko lang matiyak kung saang bansa. P’wedeng sa Amerika o sa Europa.”

“O, ano ngayon?”

“Boy, handa akong ikutin ang mundo upang hanapin lang ang magkakambal. Pero bago ako lumisan, tatapusin ko muna itong problema na kinakaharap ni Magda.”

“Madali lang namang lutasin ang problema ni Magda. Kung mailigpit natin si Gudo’y tapos na rin ang problema ni Magda.”

“Hindi ganyan kadali, Boy. Actually, ang punong problema ni Magda’y di ang tungkol kay Gudo, kundi’y tungkol ito sa kanyang anak na nasa pangangalaga ng iba. Nais niyang mabawi ang kanyang anak. Kung paano gagawin ito’y ‘yan ang malaking problema.”

“Kung idaraan sa legal na pamamaraan mabawi kaya ni Magda ang kanyang anak?”

“Medyo mahirap. Hindi madali. Ang problema’y wala man lang naiambag si Magda kahit isang kusing sa pagpapalaki ng kanyang anak. At di siya kilala ng bata.”

“Kung mahirap sa legal, e di idaan natin sa ilegal. Kikidnapin na lang natin ang bata at ibigay kay Magda.”

“Madaling sabihin, Boy. Pero di ‘yan ang solusyon. Pagaralan natin ito ng mabuti. Teka, paano ka na ngayon?”

“Ito. Palaging nangangapa sa madilim, upang di maispatan ng mga kaaway.” “Di ka rin pala makakilos nang maige?” “Bakit me ipagagawa ka ba? Bigyan natin ng solusyon ang aking kilos. Gamitan natin ng magic. Ako pa.” Ilang saglit na nag-isip si Ray. “Boy, ang nais ko lang na gagawin mo’y paminsan-minsa’y magmanman ka roon sa bahay ni Mrs Jalandoni. Alamin mo kung ano ang kanilang daily activities. Upang malaman natin ang kanilang mga galaw,” nawika ni Ray makaraan ang ilang sandali. “Sino ba itong si Mrs. Jalandoni?” “Siya ang umampon sa anak ni Magda. Kung p’wede’y alamin natin ang background nitong pamilya. Tawagin mo na lang si Mrs Jalandoni na “Madam” kung tayo ang nag-uusap upang di matukoy ng mga makakarinig.” “Saan ba ang adres ng bahay ni Madam?” “Sa isang subdivision sa Pasig. Napunta na nga kami ni Magda roon minsan.” At binanggit ni Ray kay Boy ang pangalan ng subdivision.

“Aba, madalas kong madaanan ang subdivision na ‘yan. Paminsan-minsan dumadalaw kasi ako roon sa bahay ng isa kong kakusa. Alam mo, ang subdivision na ‘yan, sa kabila nito’y pook na ng mga iskwater. Doon nakatira ang sinasabi kong kakusa.” “E, di magaling. Magiging madali ang iyong trabaho.” “Ano ba ang numero ng bahay ni Madam?” “69, San Isidro Street.” “69? Paborito kong numero ‘yan. Sige, tatawag lang ako sa ‘yo kung me matisod akong mapakinabangan.”

“Sige, Boy. Dumaan ka lang sa aking opisina kung makakalusot ka sa bitag nina Gudo. Me ibibigay sa ‘yo ang aking sekretarya.”

“Hmmm. Mukhang mahulaan ko na kung ano ‘yan. Siyempre panggasolina. Di naman aandar ang sasakyan kung walang gasolina.” Narinig ni Ray ang halakhak ni Boy.

KINAUMAGAHAN… Magtatanghali na nang makapasok si Ray sa kanyang opisina. Unang nilapitan niya ang kanyang sekretarya. “Ano, Girlie, nagawa mo ba ang ipinagawa ko sa ‘yo habang naroon ako sa Baguio?” usisa ni Ray sa kanyang sekretarya. “Opo, Sir. Inutusan ko ang ating imbestigador na pumunta

Minamadali ni Ray na malutas ang mga suliranin ni Magda upang maumpisahan na niya ang paghanap ng kanyang nawawalang forever. Matatagpuan kaya niya ito?

sa DSWD upang magtanong tungkol sa adoption paper ng batang si…si… Ano nga ang pangalan ng bata, Sir?”

“Ang batang anak ng singer na si Magda, ipinalista daw niya sa ospital na si Joshua Nathaniel. Ang Nathaniel ang siyang apelyido ni Magda. Ginamit ni Magda ang kanyang apelyido sapagkat illegitimate child ang bata, o inanakan lang ang ina. Kung magkagayo’y p’wedeng gamitin ng ina ang sarili nitong apelyido kung walang maituturong ama ng bata.”

“Naririto kangina ang ating imbestigador, Sir. Sabi niya, wala daw nakitang adoption paper doon sa DSWD para sa batang si Joshua Nathaniel.”

“Marahil ibang pangalan ang ginamit ng babaeng umampon sa bata. Siyempre ganyan talaga ang mangyari. Bakit naman ipagamit niya sa bata ang apelyido ni Magda. Ang ating kasunod na alamin kung anong pangalan at apelyido ang ginamit ng umampon sa batang inampon nito. Teka muna, tawagan ko nga si Magda.”

Kinuha ni Ray ang kanyang selpon at tawagan si Magda na naroroon sa rest house nila sa Baguio. “O, Magda, kumusta ka r’yan?” bati ni Ray kay Magda.

“Boring din dito. Wala akong ginawa kundi ang kumain at matulog,” tugon ni Magda. “Masarap nga ang aking kinakain, pero nakakasawa rin kung palagi na lang manok o karne. Nami

miss ko rin ang mag-ulam ng daing at tuyo.” “Kasi’y nasanay ka na yata sa sardinas at corn beef doon sa kubo ni Boy Turko sa Tondo. Teka muna, Magda, me itatanong lang ako sa ‘yo.” “Ano ‘yan?” “Nang ibigay mo ‘kamo sa ale ang iyong anak doon sa ospital, me ginawa ba kayong kasulatan?”

“Aba, wala, basta nang i-approached niya ako matapos ako makapanganak at sinabi sa akin na aampunin daw niya ang aking anak ay tinangay na niya ang aking anak. Huli ko nang malamang ibinenta pala niya ang aking anak sa isang mayamang mag-asawa na siyang umampon at nagpalaki sa aking anak.”

Napangiti si Ray nang marinig ang sinabi ni Magda. May naaninag siyang kapiranggot na pag-asa.

“Aba, Magda. Kung ganyan ang nangyari, malaki ang tsansa nating makuha ang iyong anak. Kahit sabihin pang nagpagawa ng anumang kasulatan sa adoption ang nag-ampon at ang ale na tumangay ng iyong anak, ang lahat ng ‘yan ay illegal sapagkat hindi pirmado ng tunay na ina.” “Paano malaman kung sino ang tunay na ina ng bata?” “Aba, doon sa manipesto sa ospital kung saan ka nanganak, naroon ang iyong pangalan sa delivery record bilang tunay na ina at ang temporary na ipinangalan mo sa iyong anak, di ba si Joshua Nathaniel.”

“Totoo? Maraming salamat sa Diyos,” natutuwang nasambit ni Magda. Dinig ni Ray sa selpon ang paghikbi nito.

“Isang bagay na lang ang alamin natin. Baka iginapang ng nag-ampon ang mga record mo sa ospital. Pero kahit nangyari pa ‘yon, ang lahat ay peke at madali nating lusutan.” “Anong ibig mong sabihin ng iginapang?” “Ibig sabihin, marahil na-realized ni Madam na kelangan niya ang adoption paper upang mapabinyagan ang bata gamit ang kanilang apelyidong mag-asawa. At p’wedeng me inutusan siyang gapangin ang mga record mo sa ospital at pineke ang iyong lagda. Subalit nasabi ko nga, madali nating lusutan ‘yan.” “Kung gayo’y malaki ang tsansang mabawi ko ang aking anak?” “Korek ka d’yan. Utusan ko ang aking imbestigador upang usisain ang lahat ng ito. Maghintay ka lang d’yan. Sa legal side, mukhang wala na tayong problema. Sa emotional side na lang.” “Ano’ng emotional side?” “Ibig sabihin kung paano natin mapalapit sa ‘yo ang kalooban at damdamin ng iyong anak. Mukhang medyo mahirap iyan sapagkat di ka niya kilala. Dapat maghanap tayo

ng paraan upang maging maamo sa ‘yo ang iyong anak.”

“Kung me tsansa lang akong makalapit sa kanya, marahil madali lang para sa akin na ipadama sa kanya ang aking pagmamahal sapagkat ako ang kanyang tunay na ina.”

“Sige lang. Maihanap natin ‘yan ng paraan. Sige, Magda. Wish me luck.” “Good luck and thank you.”

Katatapos lang ni Ray sa pakikipag-usap kay Magda, nang muling tumunog ang kanyang tangan na selpon. Nakita niyang numero ni Boy Turko ang naka-flash sa screen. Kaagad na sinagot niya ito. “O, Boy, kahapon lang tayo nag-usap, a.” “Kaya nga, Attorney. Pero me bagong development na ibig kong malaman mo. Mahaba kapag ikinuwento sa selpon. Baka maubusan ako ng load.”

“Uho? Gusto mo ng pang-load, ha? Pati ang pangpansit kanton. Nasaan ka ba?”

“Dito ako sa suki kong karinderia sa Tondo. Nakapunta ka naman dito. Buti rito at asiwa ang mga aso ni Gudo na gumalaw sa akin sapagkat alam nilang teritoryo ko ito.” “Sige, pupunta ako d’yan. Maghintay ka lang.” Kaagad na lumabas si Ray sa kanyang opisina at tinungo ang kanyang naka-park na kotse. Ilang saglit pa, humaharurot na ang kanyang sasakyan sa magulong daan papuntang Tondo. Alam na niya ang karinderia na sinasabi ni Boy. Nang makakita ng maparadahan ng kanyang sasakyan, mabilis na tinungo ang karinderia at pumasok.

Kaagad na natanaw niya si Boy na nakatayo sa counter at palinga-linga. Nang makalapit siya, niyaya siya ni Boy na umupo sa isang nakahandang mesa.

“Nakaorder na ako ng pansit kanton pati na ang beer na pantulak. Ito o, natatakpan lamang. Di ko muna ginalaw sapagkat wala pa akong pambayad. Baka di ka sisipot.” “O, naririto na ‘ko. Me pambayad ka na.” “P’wes, p’wede na tayong mag-umpisang mag-usap.” Inalisan ng takip ni Boy ang pansit kanton at sumubo. Ang bote ng beer ay bukas na. Tuwing makasubo si Boy ng pansit kanton ay tumutungga ito sa bote ng beer. “Di ka ba gumagamit ng baso?” “Aba, hindi. Buti ‘yong mula sa bote diretso na sa aking lalamunan. E di walang tapon.” “O, ano ba ang sasabihin mo sa akin?” “Di ba sabi mo, manmanan ko ang mga galaw doon sa bahay ni Madam? Kangina lang ng pumunta ako sa aking kakusa sa pook ng mga iskwater, napadaan ako doon, sa bahay ni Madam.” “O, ano?” “Mukhang wala si Madam doon. Masyadong tahimik ang bahay. Pero me nakita ako roon.” “Ano ang nakita mo?” Di muna nakasagot si Boy at parang nabilaukan sa sinusubong pansit kanton. Tumungga ito sa bote ng beer. Burk! Dumighay pa si Boy. “Para kang tatlong araw na di kumakain,” puna ni Ray. “Totoo. Nasagad ang aking bulsa.” “Huwag kang mag-alala. Pupunuin natin muli ‘yan. O, sabi mo’y me nakita ka roon sa bahay ni Madam?” “Me nakita nga ako roon na nakapaskel sa gate.” “Ano nga ‘yon?” “Wanted: Yaya!”

“Aba, naghahanap sila ng yaya para marahil sa mag-aalaga sa anak ni Magda.”

Biglang sumagi sa isip ni Ray si Magda. Bakit di yayahan ni Magda ang kanyang sariling anak? Nang sa gayo’y magiging malapit silang mag-iina.

Oo nga…

(ITUTULOY)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.