Astrolohiya

Liwayway - - Mga NIlalaman - Madame Sharona

HAPPY BIRTHDAY: Iwasan ang magbitiw ng marahas na pananalita na makakasugat ng damdamin. Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal. Magsikap at magtiyaga.

ARIES (Mar. 21- Abr. 19). Kailangan mamahinga ang tao kaya mamahinga. Kapag ayaw mamahinga kahit na sino, siya ay makakaranas ng karamdaman at siya ay mamalagi sa bahay. Lucky days: Wednesday & Friday. Lucky nos. 18-20 & 39.

TAURUS (Abr. 20 - Mayo 20) Hindi mo naman kayang pigilin ang sarili mo na takasan ang hindi magandang sitwasyon na ikaw ay ikinukulong na parang wala kang sariling desisyon. Lucky days: Thursday Monday. Lucky nos. 0-24 & 37.

GEMINI (Mayo 21- Hun. 22) Mahirap paniwalaan pero totoong ang langit ay suko sa taong makulit. Ikaw, marami ang magtataas ng kilay sa iyo dahil sa kapipilit mong makuha ang gusto mo. Lucky days: Sunday & Friday. Lucky nos. 8-10 & 15.

CANCER (Hun. 21 – Hul. 20) Hindi magbabago ang langit, patuloy na hinihintay niya ang tao na bumalik sa maayos na buhay. Lucky days: Monday & Saturday. Lucky nos. 07-10 & 15.

LEO (Hul. 21 - Agos. 20) Ang basong babasagin kapag nalalamat, sa ibang araw ito ay mababasag. Kaya ingatan mo ang wagas at dalisay na pagmamahal sa iyong karelasyon. Lucky days: Thursday & Tuesday. Lucky nos. 11-19 & 28.

VIRGO (Agos. 21 - Set. 22) Nakasisingit ang kabiguan kapag lumalabis ang kumpiyansa. Hindi puwedeng mangyari sa iyo ito kapag binabantayan mo maging ang sarili mo. Lucky days: Wednesday & Saturday. Lucky nos. 40-19 & 28.

LIBRA (Set. 23-Okt. 22) Lahat ay nagbabago. Huwag mong tigasan ang tindig mo dahil ang tama sa isang araw ay mali sa susunod na araw. Lucky days: Thursday & Sunday. Lucky nos. 09-11 & 29.

SCORPIO (Okt. 23 – Nob. 22) Habaan mo ang oras ng iyong pagsisiskap dahil ito ang tunay na sikreto kung bakit nagsisiyaman ang mga tao. Lucky days: Monday & Wednesday. Lucky nos. 23-27 & 31.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 22) Alisin mo sa isip na mahirap umaenso dahil ang mali talaga sa iyo ang naghihintay ka pa ng senyales sa kung kani-kanino. Lucky days: Friday & Tuesday lucky nos. 05-12 & 33.

CAPRICORN (Dis. 23 - Ene. 19) Mahalin mo ang sarili bago mo mahalin ang iba. Dahil pinahahalagahan mo kung magiging masaya at maligaya ang ibang tao. Lucky days: Saturday & Thursday Lucky nos. 10-11 & 14.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 19) Maganda ang sakripisyo dahil sa pagmamahal. Kaya lang inaabuso ang kabaitan na ipinapakita mo. Lucky days. Monday & Wednesday Lucky nos. 29-40 & 08.

PISCES (Peb.19 - Mar. 20) Kung ano ang laman ng isip mo ‘yun mismo ang mangyayari. Kaya huwag mong hayaang ang mga negatibong pananaw ay maghari sa iyong isipan. Lucky days: Sunday & Friday. Lucky nos. 42-28 & 23.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.