Napupunding Buwan

Liwayway - - Mga NIlalaman - Eugene Y. Evasco

May napipintong Pambihirang palabas. Wala munang tututok sa telebisyon, Inagahan ang hapunan. Lalabas lahat ng tahanan Saka Titingala Nang masaksihan Ang ikalawang kabilugan ng buwan Ngayong buwan, Ang higit na malaking buwan, At ang lubusang pagbawi sa kaniya Ng hiram na liwanag. Nagkatotoo ang mito Ng Minokawa.

Ipinokus ang kamera; Bawal maging pasmado. Tinuklas ang tamang anggulo Ng waring dugong Kumakalat sa buwan. Klik!

Tumutok sa cellphone, Tutok na tutok Upang paliwanagin, Upang palakihin, Upang patingkarin Bago ipaskil Ang kuha sa pambihirang Napupunding buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.