Mga Bituin Sa Tubig (6)

Liwayway - - Mga Nilalaman - Efren Abueg

(IKA-6 NA LABAS)

NAPATAGAL ang pagkakatitig ni Armand kay Luzvirminda Arago. Sa mabilis na pagbawi nito ng tingin sa kaniya, ikinubli ang pagkailang sa kaniya sa likod ng ngiti at magiliw na tinig ng pagtanggap sa kaniya. Napahiya tuloy siya sa sarili at nangambang makapag-iwan siya ng masamang impresyon sa isang humihingi ng tulong sa isa pa namang alagad ng batas.

“Police Senior Inspector Armand Abeza po,” naisip niyang bigyang-diin sa wastong posisyon niya sa kapulisan para mailayo ang atensiyon nito sa mali niyang inasal.

Napamaang naman ang kaharap niya at humingi agad ng dispensa.

“Sorry at military rank ang nasabi ko sa inyo. Iba nga pala ang tawag sa kapulisan ng tinyente!” Ngayon, nakipagngitian na siya sa kaharap. “Balewala na ‘yon, Ms. Arago. Importanteng narito na ako at baka makatulong sa pangangailangan ninyo.”

“Pasensiya na’t inapura ko kayo ni Police Director Hernandez. Kaya lang, hindi pa nabibigyan ng hustisya ang

auntie ko after so many years!” Hindi kumibo si Armand. Nakita niya sa mukha nito ang pagkapawi ng ngiti at saglit na pagdalaw dito ng lungkot.

“Pero sa maagang response n’yo sa akin ni Police Director Hernandez, binigyan niya ako ng pag-asa.”

Ngumiti uli kay Armand ang kausap. Ang ngiting iyon na waring laging nag-aanyaya ang unang napansin niya kay

Nasa mga kamay ni Armand ang pagkalutas sa kaso ng nawawalang dalawang bata. May magagawa kaya siya sa kasong iyon?

Luzvirminda Arago. Nakita niya agad sa paglagos ng tingin niya sa dinding na salamin ng computer shop nito ang ngiting parang lumalambing sa isang customer na naroroon, kahit pa hawak na nito ang isang paper bag ng gadyet at handa na sa pag-alis.

“Para ba ‘yon sa good customer relationship?” naisaloob pa niya. Ngayong nakangiti na uli ito sa kaniya, naisip naman niyang maaaring talagang bahagi iyon ng kaaya-ayang personalidad nito.

“Saglit lang,” dispensa uli nito sa kaniya. “Bigyan ko lang ng instructions ang mga kasama ko.”

Sinenyasan nito ang isang kabataang babae na nilapitan nito at kinausap. Saka similip nito sa isang cubicle ang dalawang kabataang lalaki na maaaring technician o sales

clerk sa computer shop. Tinanaw niya ang hanay ng mga gadyet sa loob ng dalawang salaming estante.

“Ikaw na muna ang bahala d’yan, Oni…” paiwang-salita nito sa kabataang babae na nilapitan nito kangina. “Kung dumating agad si Cano, pakisabi sa akin. Baka maaga akong bumalik sa shop natin sa San Pedro.”

“Yes, M’am…” sagot ng tinawag na Oni na nagliwanag ang mukha sa kasiyahan sa magiliw na pagbibilin dito.

“Halika, doon tayo sa receiving room.” Binalingan na siya ni Luzvirminda Arago, nakangiti pa rin at nagpauna sa pagpasok sa pinakadulong silid ng computer shop.

Sumunod si Armand sa babae na kangina’y napagmasdan niyang saradong-sarado ang leeg at dibdib sa suot nitong blusang maputlang pula. Ngunit ngayong sinusundan niya ito, nagpista ang tingin niya sa kaputian ng batok nitong inilitaw ng parang papalaking ukab ng likod ng damit nito.

“My refuge kung gusto kong magpahinga,” nakangiti na namang sabi ni Luzvirminda Arago at inilibot niya ang tingin sa loob ng silid.

Parihaba ang receiving room na nakaharap sa isang maliit na garden. May isang bilog na mesa yari sa narra, binarnisan nang maputla at nalalatagan ng plastik na lace. Isang set ito na kabilang ang tatlong maliliit na silyang kahoy na barnisado rin. Nakapapasok sa loob ng receiving room ang lamig ng dalawang package air-conditioner sa computer shop.

“Mainam na pahingahan ang room na ito kung masyado ang pressure ng iyong trabaho!” Iyon ang naisip niyang sabihin.

Salamin na nakukurtinahan ng manipis na telang cotton ang dinding na paharap sa labas. Naroon sa labas ang ilang pasong natatamnan ng mga halamang bulaklakin at pandekorasyon na may mga dahong parang payat na mga daliri. Sa kaibayong pader, solido ang pagkakasemento nito. May ilang kuwadrong maliliit ng mga tanawin sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos. Sa gitna ng mga kuwadro nakaplakda ang isang screen monitor na projection sa loob ng nakita niyang dalawang CCTV sa computer shop.

“Well-monitored sa loob ang shop mo. Kaya lang, wala ka yatang security guard sa labas?”

“May ronda ang detachment ng security ng village na ito. May binibigyan akong allowance para sa mga barangay tanod. Sa gabi ko lang pinaguguwardiyahan ang shop.”

Naisip ni Armand na nakatitipid si Luzvirminda Arago sa seguridad ng lugar nito.

Mayamaya, may narinig silang katok sa pinto at nang may nagtulak nito, pumasok ang kabataang babae na tinawag nitong Oni at naglapag ng isang bandehado na may nakapatong na dalawang baso ng orange juice at dalawang pirasong turon.

“Baka isipin mong kuripot ako, ano?” At itinuro ang turon nang makalabas na ang kabataang babae. “Sabi ni Police Director Hernandez, nagtagal ka raw sa Middle East. Missed mo na ang miryendang Pilipino, ano?”

Nahawa si Armand sa masayang pakikipagpalitan nito sa kaniya ng mga salita.

“May mga Pilipino na nagluluto ng turon doon. Kaya lang, hindi ko natataunan sa mga pagtitipon. Paborito ko nga ang turon mula pa n’ong bata ako.”

“May langka ang ipinaluto kong turon…”Nagmamalaki ang tinig ng kaniyang kaharap.

“’Special daw ang turon kapag may langka, ‘yan ang sabi ng Lola ko!”

Parang may lumuwag na sa kalooban niya at naisip niyang parang gayundin ang kaniyang kausap. Napatibayan iyon ng sumunod nitong sinabi. “Well, we have broken the ice…is it alright if you would call me just Virmin?”

“Oo naman.” “Kaya lang, baka isipin mo na sa pagiging mag

acquintance natin ngayon, nakukuha ko ang panahon ng bakasyon mo. Sabi ni Police Director Hernandez, matagal na nagtiis ka sa Middle East.”

“No problem. Nakauwi naman ako in one piece sa tinubuan kong lugar at nakadalaw sa aking mga kamag-anak. At hindi naman ako bibigyan pa ng definite job

assignment nang ni-recall ako from the Middle East. Malaki nga ang naitulong sa akin ni Police Director para makauwi na sa Pilipinas. Dagdag na bonus ‘yan sa naitulong niya sa promotion ko bilang police officer. Kahit pasado ako sa lahat ng

required exams ng gobyerno, kailangan ko pa rin ang backer. At sino pa ba iyon kundi si Police Director!”

Tumawa uli si Luzvirminda Arago. “Ku, pinagaganda mo lang for the public ang image ni Police Director Hernandez. Siya ang nagsabi sa akin na isa ka sa iilang tunay na dedicated

police officers na napailalim sa unit niya. Nang malipat ka sa sa ibang command, balik ka raw nang balik sa kaniya para mag-volunteer kung may trabaho sa opisina niya!”

Nag-iisip siya kung bakit parang maraming naikuwento kay Luzvirminda Arago ang iginagalang niyang opisyal ng kapulisan. “Kamag-anak kaya ito ni Police Director?” O naisip ng kaniyang police director na ilako sa kaniya Luzvirminda Arago na malinaw na sinabi nitong “maganda” at baka interesado ka?

Kaya habang nakikipagtagalan siya ng pakikipag-usap kay Luzvirminda Arago, itinaboy niya sa isip ang sinabi ng kaniyang police director. Binigyang-diin niya sa sarili na gagawin niya ang lahat bilang opisyal ng pulisya para mabigyang-katarungan ang kamag-anak nito at hindi dahil

sa ano pa man o sino man kahit pa ito si Police Director Hernandez.

Ngunit ayun na naman ang ngiti nitong nag-aanyaya habang parang pinatitibay nito ang pagiging kaswal nilang magkakilala.

“Kung may ibang kausap, I will call you Police Senior Inspector Armand Abeza. Masyado namang pormal at mahaba ang pangalang ‘yon kaya kung wala ka sa official

mission, Armand na lang ang itatawag ko sa iyo!” May kantiyaw ang tinig na tumambal sa hindi napapawing ngiti nito.

“Oo naman, Virmin!” At bahagyang idiniin niya ang bigkas sa palayaw na iyon.

“Virmin, ha? Don’t commit the wrong pronunciation of my name!”

Natutuwa siya at parang nagtatagpo na ang kanilang mga kaisipan. Ngunit naiisip niyang mauusisa ang personal niyang opinyon tungkol kay Virmin kapag nagreport na siya kay Police Director Hernandez. At ungkatin uli kung interesado siya sa dalaga.

Isinulong na ni Virmin sa harap niya ang tasa ng turon at baso ng orange juice. “Magmiryenda na tayo.”

“The lady first…” At siya naman ang nagsulong ng turon at baso ng orange juice sa kaharap. “Ikaw ang bisita, kaya ikaw ang mauna!” Nagkatawanan sila. At sa ilang sandali pa, ipinalabas na ni Virmin sa kabataang babaeng si Oni ang pinagkainan nila.

Naisip niyang magsimula na ng trabaho lalo na ngayong humahapon na.

“May initial reading ako ng case ng auntie mo. Hindi ko maisip ang concern mo sa case na ‘yon. Hindi naman magkapareho ang apelyido ninyo.”

Parang tinukso pa uli siya ng ngiti ni Virmin nang magtanong na siya.

“Pinsan ni Mother ang iresponsableng pinatay ng isang OFW mula sa Dubai. May asawa ito na namatay sa pagsisilang ng dalawang anak na babae. Napagusto nga sa asawa ng isang OFW na kung bakit naman naloko sa isang lalaking sugarol at babaero. Nang binabawi na ng umuwing lalaki mula Dubai ang asawa nito sa pinsan ni Mother, pinatay pa nito ang babae na gustong bumalik sa asawa.”

Naging close ako kay Auntie Alma, ang asawa ng pinsan ni Mother. Nang nasa elementary ako, tinuturuan niya ako sa

subject kong Pilipino at Math. Pero nagkahiwalay kami nang ma-approve ang papers naming tatlo nina Daddy at Mommy para mag-migrate sa States.”

“You lose contact with her family until that ugly crime happened?”

Tumango si Virmin. Nagpalipat-lipat ng mababang mga klase ng trabaho ang mga magulang nito hanggang sa maalok ng pag-oopisina sa World Trade Center sa New York. Nasa haiskul na noon si Virmin at dumami na ang mga kakilala ng mga magulang nito.

“Sana, uuwi kami dito isang Pasko, pero hindi na namin nagawa iyon. Nangyari ang September 11 nang ibangga ng mga terorista ang na-hijack nilang eroplano sa Twin Towers ng World Trade Center. Kabilang sa libo-libong namatay sina Dad at Mom ko!”

Tumahik saglit si Virmin. Iginalang ni Armand ang pagtigil ng salaysay nito. Ngunit nagpatuloy din pagkaraan ng ilang saglit.

“Halos dalawang dekada na ‘yon. Nagkaroon ng mga kaso para mabigyan ng indemnity ang mga nangulila, kabilang na ako. Isang naging kaibigan ni Dad ang nag

volunteer na maging legal guardian ko. Sa pamilyang iyon ako nakitira at nakapag-aral naman hanggang college. Nakatapos naman ako ng computer engineering at nakapagtrabaho sa Silicon Valley. Naiinip na ako d’on dahil walang advancement ang career ng mga babae . Noon ako nanalo sa kaso ng parents ko sa tulong ng aking legal guardian. Nagkapuhunan ako at naisipan kong bumalik sa Pilipinas para magnegosyo. Noon ko nalaman ang nangyari sa buhay ni Auntie Alma at ng iresponsableng Uncle Mars ko na pinsan ni Mother. Namatay pala sa panganganak si Auntie Alma sa bunso nito.” Sa isip na lamang ni Armand na parang tuldok ng

keyboard ng computer nadugtungan ang salaysay ni Virmin. “Nagkaroon pala ng bawal na relasyon si Uncle Mars sa asawa ng OFW. Sinamantala niya ang pagkalungkot sa mister nito abroad dahil sa matatanda nang mga magulang na hindi maiwan. Naabangan sa trabaho, naisakay ito sa kotse at nang gabihin, nakumbinseng matulog sa isang kamag-anak namin. Hindi na nakakalas kay Uncle Mars ang babaing iyon. The worst of it was gambler si Uncle Mars at a

brute kung nalalasing. Narinig kong sinasabi ni Mother na mabait naman sa dalawang anak si Uncle Mars.”

“Umuwi daw ang asawa ng babae ni Uncle Mars. Hinanap daw si Uncle Mars para bawiin ang asawa. Itinago ni Uncle ang babae. Nang magtangkang tumakas ito, sinakal daw iyon ni Uncle nang walang awa.”

Sa dokumento sa National Bureau of Investigation (NBI), nakasulat na naglahong parang bula ang asawa ng babae. Ngunit pagkaraan iyon na mahukay sa isang tigang na kanal ang bangkay ng Uncle Mars ni Virmin.

Isang araw, may sumundo raw na isang kamag-anak na babae sa dalawang bata na inilagak muna ng DSWD sa ampunan hanggang walang kadugo na umaangkin sa mga ito. Ilang buwan lamang, nadiyaryo ang na namatay ang OFW na inilibing sa isang kilalang memorial park sa Taguig. Wala nang nabalitaan tungkol sa magkakasunod na mga trahedyang iyon.

Si Virmin ang interesado sa kasong iyon. Ibig nitong mabawi ang dalawang pamangkin niya. Naiisip iyon ni Armand. Pati ang pagkaunawang kaagaw ang dalaga ng guniguni ng kabataang babae sa putol na ilog.

(ITUTULOY)

“Well, we have broken the ice…is it alright if you would call me just Virmin?”

“Oo naman.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.