Magluto Tayo

Liwayway - - Mga Nilalaman - Mareng Lena

SA mga umiiwas sa pagkain ng karne (baboy o baka), narito ang mga putaheng isda na ating lulutuin. Tara na sa kusina!

TINOLANG DAING (KANDULI O BISUGO) MGA SANGKAP:

1 daing 2 puswelong upo, hiwain nang pakuwadrado 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 3 butil na bawang, pitpitin ½ kutsaritang luya 1 puswelong dahon ng sili Patis, ayon sa panlasa Pampasarap mix

PARAAN NG PAGLULUTO:

IBABAD sa tubig ang daing bago hugasan; hiwa-hiwain ayon sa nais na laki. Igisa ang bawang, sibuyas at luya. Ilahok ang daing. Tubigan (2 puswelo). Timplahan ng patis. Pakuluin sa loob ng 5 minuto sa mahinang apoy. Ihulog ang dahon. Pakuluang saglit. Ihain nang mainit.

BISTEK NA BANGUS MGA SANGKAP:

1 katamtamang laking bangus, linisin at hiwain ayon sa nais na laki 2 sibuyas, hiwain nang maninipis, pabilog Toyo, ayon sa panlasa 1 kutsaritang katas ng kalamansi Pampasarap mix

PARAAN NG PAGLULUTO:

IPRITO nang malasado ang bangus. Bahagyang prituhin ang sibuyas. Itabi ang mga ito. Pakuluan ang toyo. Ihulog ang bangus. Lagyan ng kaunting pampasarap mix at isama ang sibuyas. Sa paghahain, ibuhos ang katas ng kalamansi.

MGA SANGKAP:

1 bangus, katamtamang laki 1 sibuyas, hiwain nang pino 3 kamatis, hiwain nang pino Dahon ng saging, salabin Asin, ayon sa panlasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

LLITSONG BANGUS

INISIN ang bangus. Biyakin sa likod; dito dukutin ang laman-loob. Ipalaman ang sibuyas at kamatis na tinimplahan ng asin. Balutin ng dahon ng saging. Iihaw hanggang masunog ang dahon. Sa paghahain, alisin ang dahon ng saging. Masarap na sawsawan ang patis at kalamansi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.