Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

Liwayway - - Mga Nilalaman - Boy A. Silverio

SPaulo Campos ay isang doktor at dalubhasa sa pagtuturo. Kinikilala siya dahil sa promosyon niya ng mas malawak ng Health Care sa mga pamayanan. Bantog din siya sa mga naging kontribusyon niya bilang espesyalista sa Nuclear Medicine kaya tinagurian siyang The Father of Nuclear Medicine in the

Philippines. Siya rin ang unang Pangulo ng National Academy in Science and Technology at ginawaran ng National Scientist of the Philippines noong 1988. Isa rin siyang Award Winning Writer ng mahigit na 75 scientific award.

ANG unang naging guro ni Apolinario Mabini ay ang kanyang ina si Dionisia Maranan, na siyang nagbukas ng kanyang murang isipan sa kahalagahan ng katotohanan at katwiran at karangalan. Ang kanyang pagiging isang lumpo ay hindi naging dahilan upang siyay maglubay sa kanyang maigting na pagnanasang maglingkod sa bayang tinubuan.

AYON sa mga historian, nakuha ni Francisco Dagohoy ang tawag na “Dagohoy” na ang kahulugan ay pinagsamang “Dagon” o agimat at “hoyohoy” o bangin.

May mga kuwento na kayang tumalon ni Dagohoy sa matataas na lugar at malalaking pagitan. May kakayahan din umano si Dagohoy na makakita sa dilim kaya mahusay itong makidigma sa gabi. Mayroon din umanong agimat na tagabulag o pagiging invisible ang bayani ng Bohol.

IKINASAL sina Francisco Mercado at Teodora Alonso, mga magulang ni Dr.Jose Rizal noong Hunyo 28, 1848. Si Francisco ay taga-Binan, Laguna samantalang si Teodora ay taga-Sta. Cruz, Maynila. Nag-aral si Francisco ng Latin at Philosophy sa Colegio de Santa Rosa. Nagkaroon sila ng 11 anak: Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. Namatay si Francisco noong Enero 5, 1898 at si Teodora ay noong Agosto 16,1911.

Mga larawang mula sa Google

Francisco Mercado at Teodora Alonzo

Paulo Campos

Francisco Dagohoy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.