Soneto sa Millennials

Liwayway - - Tula - - JOEL COSTA MALABANAN

Walang saulian kapagka nanghiram Kahit nagkamali, walang pakialam Ang utang na loob ay isang alamat Di kayang bigkasin, salitang salamat!

Kami bang matanda ang siyang gumabay? O baka, kami nga ang tunay na sablay Ginagaya lamang nitong mga bata Ang pamana nating malagim na sumpa!

Ay ang henerasyong walang pakundangan Sa kanyang salita, dangal at pangalan Ay matututo rin pag dating ng wakas At pag upos na rin ang kanilang lakas!

Mapalad ang ilang marunong bumaklas At sa nakagisnan ay handang mag-aklas!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.