Paano Kita Mamahalin? (75)

Liwayway - - Mga Nilalaman - Gilda Olvidado

LUMUNG-LUMO ang mag-asawang Thelma at Dino. Paano na si Anton na kailangan na kailangan na ng bagong kidney?

Nasa ospital na nga ang kanilang anak, naghihintay na lang ng donor.

Na hindi naman pala makakarating dahil nakipaginuman na naman sa loob ng selda at ngayon ay naputulan ng ugat sa utak.

“Dok, sana maililigtas pa ang pasyente ...” Luhaan pang nakikiusap si Thelma. Desperate.

Kahit pa anong kapabayaan ng rapist, sa ngayon ay ito pa rin ang pinanghahawakan nilang makakapagbigay ng kidney sa kanilang itinuturing na anak.

“Sana nga ho. But everything now is medically

fluid. Talagang walang

assurance. Though hindi pa naman hopeless kung vitals ng pasyente ang pag-uusapan.” May naisip si Dino.

Inappropriate na itanong. Pero bilang amang nagmamahal sa kanilang ampon, hindi na siya dapat mahiya. “Doc, just in case, God

forbids ... kung mamamatay ang pasyente, tutal nakapirma naman siya doon sa kasunduan na siya ang magdo-donate ng kidney sa tunay niyang anak, puwede pa rin ho bang ituloy ‘yon?”

“May test na bang nangyari? May medical

certification na that he is an able donor?”

“Ano’ng ibig ninyong sabihin, Doctor?” tanong ni Thelma na kinakabahan.

“Na-test na siya thoroughly

kung very healthy pa ang mga kidney niya?” Nagkatinginan sina Thelma at Dino. “Doc, hindi naman namin inaasahang manginginom pa rin pala siya sa loob at nagda-drugs pa raw, sabi ng kapwa niya preso. Kaya hindi kami nag-insist ng tests na much earlier. Ang usapan nga ho, bago ililipat ang kidney doon sa anak namin ay magkakaroon na lang ng random medical check-up ang pasyente.”

Nagulat ang doktor, nadismaya. “I’m sorry to say na naging masyado kayong kampante. Dapat you insisted for it.”

Napabuntonghininga naman si Dino. “Yes, Doc. Tama nga ho kayo. Sa ngayon, alam ko nang nagkulang din kami. Pati na ang ospital kung saan gagawin ang transplant.”

“Doktor, ano na lang ang dapat nating gawin. Matsi-check ba ang mga kidneys ng pasyente sa ganyan niyang kalagayan?”

“I don’t think so. Dito sa aming ospital, hindi ‘yan papayagan. Pero kapag ... God forbids ... may nangyaring masama sa kanya baka io-honor naman ang inyong kasunduan. Magkakaroon ng kidney testing kaagad at kapag okay, hopefully maisasagawa kaagad ang operasyon.”

Naiyak na lang si Thelma. “Hihintayin pa natin na ... mamamatay ang pasyente? Hindi kaya ... mauuna pang mamamatay ang anak namin?” At humagulhol si Thelma. Niyakap na lang ni Dino. “Hey, let’s not lose hope. God will help. Magtiwala lang tayo. Kung nagkamali man tayo ng pagpasya, God wouldn’t blame us. Taranta lang tayo kung paano mabubuhay pa si Anton.”

NAKIKIPAG-UNAHAN sa oras si Tristan. Alas-diyes ng umaga ang kasal. Natuklasan niya ang mga detalye sa celfone ni Anne ay kanina lang nine o’clock. Ang bilis ng takbo niya sa kanyang kotse. Nang may biglang tumawid na matanda, mabubundol niya. Kinabig ni Tristan ang manibela sa kaliwa. Naiwasan niya ang matanda pero bumangga naman siya sa poste.

Kagulo ang mga tao roon nang narinig ang malakas na impact. Nakita nila kaagad ang kotse na wasak ang harapan. “Aksidente!” Takbuhan ang mga tao sa aksidente. “Naku, patay yata ang driver!” “Heavily tinted ito! Hindi natin makikita!” “Oo nga! Pati harapan, tinted din! Ang bahaging hindi natatakpan naman nang umurong na hood!”

“Patay na nga siguro ang driver! May tumatawag na ba sa emergency hotline?”

“Tinatawagan na! May kumuha na rin, mati-trending na ito!”

Nang biglang may tumutulak sa nayuping sasakyan, mahina nga lang. “May buhay sa loob! Tiyak ang driver ‘yan!” “Tulungan natin! Kumuha kayo ng kahit ano diyan na pangtungkab sa pinto. Hindi ‘yan bibigay kung tulak lang dahil nayupi!” May isa pang nakapag-suggest ng tama. May doktor at nurse naman na humahangos, may emergency kit na dala. Ang malaking clinic kasi nila ay nasa malapit lang. “Suwerte nandidito ang doktor at nurse!” “May mga sugatan?” tanong ng doktor. “Dok, nandidiyan pa sa loob. Gusto nga ho lumabas, e. Kaya tinutulungan namin.”

May nakuhang mahabang bakal ang isang lalaki. “Tabi, tabi! Tutungkabin na ang pinto! Kung sino man ang nandidiyan sa loob kung naririnig mo ako, umurong ka muna. Lumayo ka sa may pinto para hindi ka tatamaan nitong bakal. Kukunin ka namin diyan sa loob. Huwag mo nang itutulak dahil tutungkabin na namin!” Narinig naman nila ang mga mahihinang kaluskos. “Umurong na tiyak siya, pare! Tungkabin n’yo na!” Tinutungkab na nga ang pinto ng kotse ni Tristan. Mga halos kalahating oras din saka bumigay ang pinto at nabuksan.

Nakikita si Tristan na buhay pero may mga sugat sa mukha at katawan.

“Pare, may doktor at nurse dito! Tutulungan ka naming makalabas, dahan-dahan lang.”

“S-salamat ...” Nailabas naman nang maingat si Tristan. May blanket na sa tabi. “Dito n’yo muna ilapag ang pasyente. We’ll do a quick checking kung okay lang siya na buhatin papunta sa clinic. Tumawag na kami ng ambulance, paparating na.”

“Please ... Doc, I need to go. May kailangan ho akong gawin...”

“Sir, baka hindi ninyo makakaya. Let’s see first ... kailangang matiyak natin you’re not bleeding. Hindi lang sa labas. Kundi sa loob. Na mas delikado. Nag-smash ba ang ulo mo?” “Hindi naman.” “Which part of your body ang tumama sa impact? Kailangan ma-x-ray ‘yan.”

“Sa naaalala ko, walang malakas na tumama na bahagi ng katawan ko. Itong mga dugo at sugat, mula lang sa mga tumalsik na basag na salamin.”

“Sir, higa lang kayo. Titingnan pa rin ho natin ang buong katawan ninyo.” Tumahimik na lang muna si Tristan. Hinayaan ang doktor at nurse na tingnan siya. Ang ulo niya ang unang binigyan ng physical examination ng doktor. “Okay, wala namang signs of any contact sa hard object.”

Tiningnan din ang iba pang bahagi ng kanyang katawan. Ginamot kaagad ang mga maliliit na sugat. Maya-maya ay tumatayo na si Tristan. “Kaya ko na, Doc ... please let me go. Kapag nagawa ko ang dapat kong gawin, I promise na didiretso agad ako sa isang ospital and have myself checked.” Nakita nila na tuwid namang nakakatayo si Tristan. Nag-random check pa rin ang doktor sa mga mata ni Tristan. “Follow my fingers. Ilan ang nakikita mo ngayon na nakatayo?” “Isa lang ho, Doc.” Iniba ng doktor ang bilang ng mga daliring nakatayo. “Now, ilan na?” “Tatlo na ho.” “Good. Sige, puwede kitang payagan. But don’t drive.” May nagsalita. “I volunteer to help him, Doc. May sasakyan ako. Saan ba kita ihahatid, pare?” Nabuhayan ng loob si Tristan. Ibinigay ang address. “O, malapit na lang ito dito. Alam na alam ko ito.” “Thank, God! Pare, salamat talaga! Laki ng utang na loob ko sa ‘yo!”

“Wala ‘yon. Basta ba makakatulong, e. Paano nga pala

itong sasakyan mo? Siyempre hahanapin ka ng mga pulis.”

“Hindi ko naman tatakasan. Babayaran ko ang mga dapat bayaran. May tatawagan kaagad akong abugado na makakausap ng pulisya.” “Good. O, tena!”

HINDI mapakali si Lorea. Lalabas na raw ang huwes na magkakasal sa kanila ni Andy. Tuwang-tuwa naman si Andy. Panay ang tingin sa kanyang account book ng bangko. Malaking pera na ang nakarehistro roon. Fifty per cent

na down ni Anne sa kanilang milyones na usapan. Kapag kasal na talaga sila ni Lorea, idideposito naman ni Anne ang kalahati pa.

“Multi-milyonaryo na ako! Sayang, sana mas mayaman pa si Anne para ang nadudugas ko sa kanya ay bilyon.”

Dinig na dinig ito ni Lorea, wala na kasing pakialam si Andy ano man ang maririnig niya.

Siya naman, kahit alam na alam na niyang magkakutsaba nga sina Anne at Andy, walang planong tumakas.

Gusto na lang niyang matuloy ang kasal para papayagan na siya ni Andy na pumuntang ospital.

At kung kailangan pa ni Anton ang kidney niya, ibibigay niya sa kanyang sariling anak.

“Don’t worry, Lorea ... makakatikim ka rin naman ng mga milyones ko ngayon, e. Asawa kita saka mahal naman kita.”

“Napakawalanghiya mo, Andy. Ginagawa mo lang akong pagkakakitaan. Tiyakin mo lang na pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay ihahatid mo ako sa ospital kung saan naroroon ang anak ko! Kung kailangan pa rin niya ang tulong ko, ibibigay ko ‘yon!”

“Di ba sabi ko gano’n naman talaga ang gagawin natin? Pero alam mo, kung ako ikaw, hindi ko babawasan ang kidney mo. Paano kung ikaw naman ang magkasakit sa kidney? Mahirap ‘yung iisa na lang kidney, wala kang spare tire kumbaga. Hindi siguradong okay kung walang ibang

kidney na maaasahan, hindi ba?” “Wala akong pakialam! Kahit nga dalawang kidney pa ang kailangan ng anak ko, ibibigay ko! Ang importante sa akin, buhay siya!” luhaang sagot ni Lorea.

“Wow, at paano naman ikaw, patay? At paano naman ako eh, gusto kong maging maligaya sa napakaganda mong katawan, lugi ako, ‘di ba?” “Makasarili ka talaga, Andy!”

“Wise at smart lang. Hindi ko naman kaano-ano ‘yung bata!” “Anak ko si Anton!” “Pero dati galit na galit ka sa batang ‘yon, hindi mo matanggap dahil anak ng rapist! Kaya mo ipinamigay! Bakit naman paiba-iba ka ng isip? Ganyan ba talaga ang mga babae?”

“Ganyan ang mga nanay! Kapag nawala na ang galit, pagmamahal na ang pumapalit. At mahal na mahal ko na ang anak ko kahit kanino pa siya nanggaling! Kaya please, Andy ... pagkatapos na pagkatapos ng kasal, ihatid mo na ako sa ospital! Wala na akong balitang naririnig tungkol sa anak ko dahil kinukontrol mo ako! Ni hindi ako puwedeng manood ng tv, makinig ng radio!”

“Wala akong pakialam! Kahit nga dalawang kidney pa ang kailangan ng anak ko, ibibigay ko! Ang importante sa akin, buhay siya!” luhaang sagot ni Lorea.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.