PASTEL NA MANOK

Liwayway - - Showbiz -

MGA SANGKAP:

1 buong manok, hatiin 1 latang sausage, hatiin sa ½ pulgada ang laki 3 pickles, hiwa-hiwain (itabi ang sabaw) 1 sachet na tomato sauce 2 kutsarang mantikilya 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 1 maliit na lata ng mushrooms

PARAAN NG PAGLULUTO:

I-MARINATE ang manok sa sabaw ng pickles na tinimplahan ng asin sa loob ng kalahating oras. Igisa sa mantikilya ang sibuyas. Ilagay sa ginisang sibuyas ang buong manok. Lagyan ng tomato sauce. Lahukan ng 1 puswelong tubig. Pakuluan bago ilagay ang sausage. Pakuluan pa nang ilang saglit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.