Pagkainip

Liwayway - - Mga Nilalaman - - VICTORIA CARLOS

Victoria Carlos

Hindi ka makatulog Dahil sa dami ng mga lamok Na sumasalakay sa iyo. Istorbo pa ang dalawang tuko Na nagpapaligsahan ng tunog. Mabuti na lang at matamlay Ang sitsit ng mga kuliglig. At hindi nakatutulig sa pandinig. Ngunit mailap sa iyo ang pag-idlip At sadyang hindi mo mahagilap Ang tamang posisyon sa pagtulog.

Patihaya Patagilid. Pasubsob.

Binuksan mo ang ilaw Hanggang sa lumaganap ang liwanag Sa loob ng iyong kuwarto. Mabilis na nagpulasan ang mga ipis At nagliparan ang mga insekto Sa maliwanag ng bombilya. Nagsigapang sa dingding At kisame ang mga butiki. Mabilis makabitag ng mga insekto Ang mga sapot ng gagamba. Bigla kang napatingin sa naligaw Na malaking paruparong itim. Ginalugad nito ng lipad at dapo Ang lahat ng sulok ng iyong kuwarto. Ang kakaiba nitong kulay at laki Ang pumukaw sa iyong pagkainip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.