Mga Bituin Sa Tubig

Liwayway - - Nobela - (IKA-8 NA LABAS) Ni EFREN ABUEG

IBA sa mga naranasan ni Armand sa mga babaeng dayuhang naengkuwentro niya sa Middle East ang nadama niya sa pagkasulyap sa paburarang pagkakaupo ni Virmin sa kotse. Inakala niyang napagod ito at hindi napigil ang antok.

“Kawawa naman. Ngayong nag-iisa, salapi ang tanging proteksiyon niya sa kinabukasan.”

Mabilis at maingat ang pagmamaneho niya ng SUV ni Virmin. Ibig niyang makarating agad sila sa pupuntahan. Nakapagpasiya na siya ng kaniyang gagawin.

“Marinig ko lang ako ang iba pa niyang sabihin at aalis na ako. Makapagpahinga naman siya.”

Pagpasok ng SUV sa lumang daan ng Muntinglupa, pumihit ng upo si Virmin, bahagyang patalikod sa kaniya. At sa pagkilos ng isang kamay nito, parang gising na inayos pa ang palda na tumakip sa puwang sa pagitan ng mga hita nito. Saka waring nahimbing uli.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho ng sasakyan. Alam niyang may dalawang kilometro pa ang layo bago sapitin nila ang San Pedro. Mamaya ko na siya gigisingin, naisaloob niya. Ngunit parang may radar sa katawan si Virmin. Kumilos

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.