Agrikultura

Liwayway - - Mga Nilalaman -

Dr. Michael M. Coroza Zac B. Sarian

NOONG Marso 23, 2018, dumalo kami sa isang talakayan tungkol sa pag-aalaga ng tilapia sa Taal Lake. Ito ay inorganisa ng Santeh Feeds Corporation, isa sa malalaking gumagawa ng pakain sa mga isda kagaya ng tilapia, bangus, danggit, hito at iba pa.

Naisipang ganapin ng Santeh Feeds ang talakayan upang matulungan ang mga nag-aalaga ng tilapia sa fishcage kasi may mga problema rin sila hindi lamang sa pagaalaga kundi pati sa pagbebenta sa merkado.

Isa sa kanilang problema ay ang pabago-bagong presyo ng mga isdang alaga, lalo na ang tilapia. Nang dumalo kami noong Marso 23, ang umiiral na presyo ay P74 kada kilo. Hindi pa naman daw lugi ang mga magti-tilapia pero konti na lang ang kita lalo kung ikumpara sa presyo na P94 bawat kilo noong nakaraang taon. Malaki raw ang kita ng mga magti-tilapia noon.

Ang dahilan ng mababang presyo ay ang sobrang produksiyon. Kaya sa talakayan, iminungkahi ng mga dalubhasa mula sa Santeh na dapat huwag sabay-sabay na maghulog ng malaking kantidad ng semilya sa kanilang fishcage. Dapat may ugnayan ang lahat ng nag-aalaga ng tilapia upang hindi masobrahan ang produksiyon.

Malaki talaga ang produksiyon ng tilapia sa Taal Lake mula sa mga nagfi-fishcage. Ayon sa Bureau of Statistics, umaabot sa 56,000 tonelada ang inaaning tilapia sa Taal Lake sa isang taon. Ang malaking problema, walang bagsakan ng isda sa Talisay o iba pang lugar sa Taal Lake na puwedeng pagdalhan ng mga magti-tilapia ng kanilang ani. Pinupuntahan lamang ng mga biyahero ang bawat isang nag-aalaga kaya walang

BAGONG SISTEMA NG

PAGBEBENTA – Noong araw, sampung taon na ang nakararaan, ang sistema noon ay ginagawang hilado ang harvest na tilapia. Pagkahuli, inilalagay sa plastik na kahon at nilalagyan na lamang ng maraming yelo at ipinadadala na kung saan saang merkado.

Ngayon, hindi na ganoon kasimple sapagkat ang mga namimili ay pinipilit na buhay ang kanilang bibilhin. Mas mataas nga ng P10 ang bawat kilo ng buhay na isda kumpara sa hilado. Pero may problema ang mga magti-tilapia. Mahirap ihanda sa merkado ang maramihang buhay na tilapia kaya may problema ang mga nag-aalaga. Hindi sila makapagbenta ng talagang maramihan.

MALAKI TALAGA ANG PRODUKSIYON – Napagalaman namin na malaki talaga ang produksiyon sa isang cage na may sukat na 10 metro kuwadrado na may lalim na 10 metro. Maniniwala ba kayo na ang isang cage ay hinuhulugan ng 200,000 na fingerling? At maniniwala ba kayo na ang isang cage ay nakapagpoprodyus ng 30 toneladang isda? Ganito iyon. Kung magaling ang mag-aalaga, karaniwan daw na may 60 porsiyento ang mabubuhay sa 200,000 na inihulog na semilya. Ibig sabihin, 120,000 ang maani. Ang mga ito ay inaani na hindi sabay-sabay. Pinipili lamang ang may timbang na 250 hanggang 300 gramo ang hinuhuli. Ibig sabihin kung lahat ng 120,000 na tilapia ay tumitimbang ng 250 gramo, 30 tonelada na iyon. Kung 300 gramo ang bawat isa, 36 tonelada iyon.

Ang 30 tonelada kung naibebenta sa P74 kada kilo, aabot iyon sa P2,220,000. Kung sa P94 bawat kilo kagaya noong nakaraang taon, aabot iyon sa P2,820,000.

Ang pakain sa mga isda ang pinakamalaking gastos. Ang kinakain ng isda sa isang cage ay umaabot sa P1,350,000. Ang iba pang gastos ay hindi gaanong kalaki. Karaniwan ang bantay na siyang bahala sa lahat ng pagpapakain, pagmamantine ng cage at iba pa ay karaniwang nakibabahagi sa kita pagkatapos makaltas lahat ng gastos. Kung mataas ang presyo, nakababahagi raw ang bantay ng P600,000 bawat cage na bantay niya. Ang isang tao ay kayang magmaneho ng tatlong cage kaya malaki rin ang kanyang kita kung mataas ang presyo.

Hala, masyado nang mahaba ang salaysay!

Ang pagpapakain sa fish cage ng tilapia sa Taal Lake.

Tig-P100 kada kilo ang hiladong tilapia sa merkado.

Ang mga kababaihang magti-tilapia mula sa bayan ng Agoncillo, Batangas. Si Merry Joy Cabrera at ang mga tilapia feeds sa Taal, Batangas. Ang mga pagkain sa boodle fight.

Ang buhay na tilapia na nasa aquarium na nagkakahalaga ng P130 kada kilo sa Teresa market.

Si Dennis Rito, Marketing Coordinator, Santeh Feeds.

standard na presyo na naibibigay. Ang biyahero ang nagdidikta ng gustong ibayad.

Si Danny Cabrera, Area Sales Manager for Luzon, Santeh Feeds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.