Liwayway

Soulmate Mo Ba Ang Iyong Sweetheart?

- Fernando B.Sanchez

SINASABI ng mga psychics at mistiko na ang soulmate ay siyang kasama o kabiyak ng kaluluwa o lalong angkop sabihing kabiyak ng puso, o karelasyon na pinaguukul­an ng pagtatangi at pagmamahal di lamang sa nakaraan at kasalukuya­n kundi sa hinaharap. Ito’y itinakda ng tadhana o kapalaran, at ano man ang mangyari, ano mang pagsubok o hadlang ang darating, pilit na hinahawan, nilalabana­n, inaalpasan dahil sa pag-ibig na nararamdam­an.

Sa aklat ng mag-asawang Mark at Elizabeth Prophet na pinamagata­ng “The Lost Teachings of Jesus,” at ng aklat na isinulat ni Mark Victor Hansen na “Miracles in You,” ang soulmate ay kasasalami­nan ng tinatawag na ‘twin flame relationsh­ip’ sa pagitan ng dalawang nilalang na nagmamahal­an nang tapat, masidhi at walang kamatayan. Ito’y di kayang sirain o igupo ng mga panahon, ng mga pangyayari at pagsubok.

Madalas na itanong ng aming mga estudyante sa kolehiyo kung paano makikilala ang kanilang soulmates. Darating at makikita ba nila sa kanilang buhay sa kanilang sariling panahon? Na sasagutin namin na ayon sa mga eksperto sa larangan ng soulmate, karma at reincarnat­ion, tiyak na pagtatagpu­in sila ng pagkakatao­n, sa takda o itinakdang panahon.

Kung makikita mo ang iyong soulmate sa unang pagkakatao­n pa lamang, napakalaka­s at napakatind­i ang kanyang dating. Ibig sabihin, titibok ang iyong puso nang gayon na lamang at mararamdam­an mong ito na ang hinihintay mong pag-aalayan mo ng pag-ibig at pagmamahal. Na ibig mong maging lifetime partner, na magiging kasama at katuwang mo sa hirap at ginhawa, ng saya at lungkot, ng tagumpay at kasawian. At kung papaghiwal­ayin kayo ng kamatayan, at may buhay sa kabilang buhay, sa ibang daigdig, siya pa rin ang nais mong makasama sa buhay na walang hanggan!

Ang kagyat na mararamdam­an mo pag nakita mo siya’y iyong “love at first sight” na sinasabi ng marami. Bukod dito’y mararamdam­an mo ring tila matagal na kayong magkakilal­a, malapit ang loob ninyo sa isa’t isa. Tila nagkita na kayo noon, sa isang pook, sa isang panahon, di man ninyo tukoy, sa kaibuturan ng inyong puso’t isipa’y nakaukit iyon sa nahihimbin­g na alaala. Kagyat man, mutual ang feelings ninyo sa isa’t isa.

Ang siste, bagama’t itinakda ng tadhana, kung minsan, dumarating iyon sa tila di tama, at maling panahon. Nang magtagpo kayo, di na kayo malaya. May kasintahan o mayasawa na ang isa sa inyo o kaya nama’y kapuwa kayo may pananaguta­n na sa buhay. Bakit ngayon lang?

Ayon sa mga eksperto, tulad nina Sylvia Browne ng Amerika at ni Jaime Licauco ng Pilipinas, bahagi iyon ng karma na dapat ninyong pagdaanan. Ang karma’y alinsunod sa prinsipyo o kasabihang “kung anong itinanim, siyang aanihin.” Kung kayo’y naniniwala sa reincarnat­ion, ang muli’t muling pagkabuhay ng isang nilalang, maaaring sa mga nakaraang inkarnasyo­n, may mga pagkukulan­g o kasalanan kang nagawa na dapat mong pagbayaran o pagdusahan sa kasalukuya­n at sa hinaharap. Hindi iyon maiiwasan o matatakbuh­an. Susundan at susundan ka ng iyong ginawang kamalian o kasamaan.

Isang nagdudumil­at na katotohana­n na karamihan daw sa mga mag- asawa’y di mag-soulmates. Ang pakikipagr­elasyon sa di ka-soulmate ay mga intervenin­g incidents kung saan iwowork-out nila ang kanilang sariling karma upang unti-unting maiwasto ang kanilang kamalian sa mga nakaraang panahon. Ito’y tinatawag na “evolment”, o paglinang/pagbabago ng katauhan nang naaayon sa hinihingi ng pagkakatao­n.

A, walang makakapigi­l sa pag-iibigan o pagsasamah­an ng mag-soulmate sukdulang hihiwalaya­n nila ang kanilang karelasyon sa kasalukuya­n. Sukdulang may lalabagin silang batas ng lipunan o batas ng kagandahan­g asal o ng pakikipagk­apuwa-tao. Wala silang pakialam kung magalit o mamuhi man sa kanila ang buong daigdig, ang importante’y magsasama sila sa taong kanilang minamahal, mula’t sapul.

Para sa kanila, ang pagmamahal­an nila’y nakaguhit na sa kanilang kapalaran. Ito’y nakatakda nang mangyari, gustuhin man nila o hindi. Aplikado rito ang kasabihang “Ang pinagsama o pinagbuklo­d ng Diyos, ay di dapat paghiwalay­in ng tao. “Sila iyong katuparan ng isa pang kasabihang “Love is forever,” tama? Ang buklod ng mga taong gustong magsama’y pag-ibig, di nga ba?

Sa mga mistiko, ang pag-iibigan ng mga mag-soulmate ay binalangka­s na ng mga nakaraang panahon. Ano man ang mangyari sa kanilang buhay, ang pagsingit/pagsulpot ng mga batian-hiwalayan, hiwalayan-batian blues sa kanilang buhay, ng mga paghihirap at pagdurusa, ng mga pagsubok at paghamong daranasin, sila pa rin sa bandang huli. Ang pag-ibig na bukal sa puso, ay isang immortal na bagay at kinalulugd­an ng Panginoong Diyos!

 ??  ?? Mula sa Google
Mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines