Liwayway

Kung Kinuha Na Ang Lahat Sa Atin... (3)

(IKA-3 NA LABAS)

- Efren Abueg

NGUNIT naisip ni Edel na hindi niya dapat sineryoso agad ang usapan nila ni Ming tungkol sa kanilang buhay. Magkikita naman sila nito kahit hindi madalas sa gusaling iyon at mababalika­n nila kahit anong oras ang kanilang nagdaang-buhay. Kaya napabaling siya sa isang palapit na serbidora at inunahan si Ming sa kanilang kakanin bago sila maghapunan.

“Miss, dalawang tasang kape at dalawang honey-glazed donut,” sabi niya rito na agad namang naglista ng kanilang order.

“Sorry, Ming...kung ano-ano na ang naisagot ko sa iyo,” hingi niya ng paumanhin sa kababata nang makalayo na ang serbidora.

Napangiti na ngayon si Ming na nakatingin pa rin sa kaniya, saka nagkibit ng balikat.

“Sorry din, Edel. Wala na siguro sa isip mo si Nita at dapat ang background ng mga negosyong papasukan ko rito ang dapat itinanong ko sa iyo.”

“Oo. Ming. Saka na ang lumipas sa buhay natin...noon.” Kahit nasa isip ni Edel na hindi nila maiiwasan ang kanilang mga nakalipas, prayoridad niyang bigyan ito ng oryentasyo­n sa kanilang opisina.

“Mukhang matagal ka na rin dito,” paibang-paksa ni Ming. “Nag-clerk muna ako sa founder ng constructi­on company nang kailangan ko nang mag-working student ako sa law. Nahalata naman agad ni Mr. Sobresanto­s, Sr. ang needs ko kaya inilgay niya ako sa field. Tinrabaho ko ang pagkausap sa mga may-ari ng mga baldyo...alam mo namang maraming lupang sahod-ulan na hindi natatamnan, lalo na kapag nag-El Niπo.”

“May mga lupa rin pala na walang irigasyon hanggang Metro Manila?”

“Walang halaga ang mga lupang ‘yon dahil hindi natatamnan. Puro suwag-kabayo ang tumutubo o ilang

kahoy na hindi naman pinakikina­bangan ang bunga. Walang magtayo ng mga bahay doon dahil paano sila mabubuhay? Walang tubig, walang daan, walang mabibilhan ng ano man.”

Napangiti, pabiro na ang himig ng reaksiyon ni Ming sa mga sinasabi niya.

“Marami sigurong pera ‘yung matandang Sobresanto­s kaya nailalagay niya sa mga ari-ariang di pakikinaba­ngan?”

Dumating din ang miryenda nila at magkaharap nilang kinunsumo iyon habang nag-uusap.

“Nagtataka ako noong una kung bakit mga lupang walang silbi ang ipinapo-prospect sa akin. Pero isa o dalawang taon lang, bigla na lamang magkakaroo­n doon ng mga proyekto ang gobyerno. Magtatayo ng feeder road para raw sa paghahanda ng irigasyon sa mga lupaing baldyo. Pero wala pa rin ang irigasyon. So sisimulang gawan ng mga daan ang lupaing gayon...”

“So, naiisip siguro ng Boss mo na magkakahal­aga rin ang mga lupang iyon kapag pumasok ang gobyerno...”

“Siguro nga. Dahil may iba palang iskolar na sinuportah­an din ng matanda na gayon din ang trabaho. Profession­al na ang mga iyon na nasa iba-ibang field. Hanggang isang araw, alam mo ba ipinakita niya sa akin ang isang mapa? Itinuro niya sa akin kung saan-saan itatayo ang mga proyekto ng public works department. At nalaman ko na ang mga lupang nabili niya ang nasa tabi o gitna ng mga proyektong iyon.”

“Ispekulasy­on ‘yon! Suwerte naman naman ni Mr. Sobresanto­s, Sr.?”

“Naisip ko nga ang mga mapa ng lupang pinag-aaralan niya. Kakabit o malapit doon ang mga proyekto ng gobyerno. Parang itinuturo sa kaniya ang mga lupang iyon.”

“Talagang pinag-aaralan niya ang lokasyon ng mga lupang binibili niya!” Nahahalata sa mga sagot ni Ming ang paghanga sa matanda.

“Nagbebenta rin naman siya ng mga lupang nabili niya...at nagtutubo siguro siya ng malaki roon?”

Tumango si Edel. “Matipid man sa buhay si Mr. Sobresanto­s, Sr., hindi naman siya patay na loob sa mga nakapaligi­d sa kaniya. May nabibigyan din siya ng bonus sa mga okasyon. Kapag birthday niya, birthday ko...siguro pati iba pa. At nakikita ko ang mga tseke na ipinadadal­a niya sa mga anak...kay Dino nang nag-aral sa Germany at sa New York at kapag kumokontak sa kaniya si Aymira, ‘yong kaniyang bunso!”

“Mapera talaga siya...”

Umiling si Edel habang tinatapos ang kaniyang donut at kape. Kumambat din siya kay Ming para ubusin naman ang miryenda nito.

“Sabi ni Mr. Apolonio...’yung driver na nag-retire na rin pagkaraang mamatay ang matanda...self-made nga si Mr. Sobresanto­s, Sr. Government employee lang ang matanda nang magtrabaho...pero nakaipon!”

“E, si Dino...’yung junior niya!” usisa ni Ming.

“So far...mabait sa amin...” Ngunit hindi niya itinuloy ang pagbanggit sa kawalan ng propesyona­lismo nito. “Pinagtraba­ho” siya sa araw na iyon na dapat bakasyon niya dahil dalawang araw na nag-overtime siya.

“He’s new...so we are adjusting to him,” dagdag na lamang niya.

“So...kaming core marketers niya, kailangan din na magadjust?”

“Oo naman, the more kasi new kayo!”

“Ugali, halimbawa?” Nag-usisa na si Ming.

“Boss siya ng lahat...pakiramdam­an,” ani Edel. Ngumiti si Ming. Tinitigan ito ni Edel. “Initial observatio­n?” “Mukhang chickboy!”

“Ow?” biro ni Edel.

“Tinabihan si Jet...’yung kasama ko at parang inamoy... rather sinamyo!”

“Patawa lang siguro ni Ding...” biro ni Edel.

“Hope so...pero sa akin, inappropri­ate!”

“Kasi naman...pare-pareho maganda at smart kayong lahat na marketers!”

“And can protect ourselves?”

“Sure naman ako!” sabi ni Edel, ngunit nag-iisip sa sarili. Hindi niya maikukuwen­to kay Ming ang pagkabaliw ni Dino sa isang pop singer at pagbubuhay-binata nito sa New York. Ayaw niyang lumitaw na sa kaniya manggagali­ng ang ano mang impresyon nina Ming tungkol sa mataas na pinuno ng korporasyo­n.

“Magdagdag na lang kaya tayo ang miryenda, Edel,” sabi ni Ming. “Ibig kong sa amin sa Sampaloc, makihapuna­n.” “Ibig mong umuwi...sa oras?” “Matrapik...baka gabihin tayo!”

Umorder ng dagdag na pagkain si Edel. Hustong alas singko medya, tumawag na uli siya ng Grab. Mahusay ang driver sa pagtuklas ng short cut na mga daan.

“Seven thirty ang dinner sa boarding house.”

“And I am not invited?” tudyo ni Edel.

“Friend ng father ko ang may-ari ng tinutuluya­n ko. Makararati­ng sa probinsiya na may naghatid sa akin.” “Hindi na ako kilala ng father mo?”

“When he lost my mother...naging seloso siya sa mga male friend ko!”

“Hindi ako exempted?”

“Re-introduce kita sa kaniya!” Nginitian siya ni Ming.

CRUSH na ni Edel si Ming nang dalagindin­g pa ito at nasa ikalawang taon sa haiskul. Tapos na siya ng haiskul at naghahanda na para lumuwas ng Maynila.

“Kailangang maging abugado ka para mabawi natin ang ipinagbili nating bukid na mana pa ng nanay mo sa kaniyang lolo,” bilin noon ng kaniyang ama.

“May looban pa ho tayo na pinag-aanihan natin ng mga bungangkah­oy at kataasang tinatamnan natin ng mani at mais!” Naisip niyang masagana pa ang ani ng kanilang looban.

“Pamura nang pamura ang pakyaw sa ating mga punong mangga.

Pangkain lamang ang pangingisd­a ko sa ilog at pinangungu­ha nating iba pang punongkaho­y!”

“Baka hindi ako makatapos, Tatay.” Binuweltah­an agad siya ng kaniyang ama. “Huwag mong sabihing tutulungan mo akong mangisda sa dagat, bukod sa ilog?”

Galit ang kaniyang ama. Alam niyang sa mga nangyari sa pamilya nila kaya nagbago ang dating mabait niyang ama.

“Bakit kailangang mag-aral agad ako sa Maynila?” protesta ni Edel.

“Sumpa ko ‘yan sa Nanay mo. Kung hindi siya nagkasakit at naipagbili natin ang bukid, may problema ba ako ngayon sa pag-aaral mo?”

Alam niyang kakapusin siya sa Maynila at magiging

Ano na ang nangyari sa kaniyang ama? Natulungan ba ito ng pagaabugad­o niya?

 ??  ?? “Ang magagawa mo, tulungan mo ang iyong sarili na makatapos. ‘Yon lang ang magliligta­s sa buhay ng Tatay mo...”
“Ang magagawa mo, tulungan mo ang iyong sarili na makatapos. ‘Yon lang ang magliligta­s sa buhay ng Tatay mo...”
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines